
Ang nakakaantig-damdaming awiting "Dakila Ka, Bayani Ka" ay nilikha para bigyang-pugay at dakilain ang kabayanihan ng mga healthcare worker na nakikipaglaban sa nakamamatay na 2019 coronavirus disease (COVID-19).
Ito ay inawit at binigyan ng malalim na kahulugan ng halos 40 artists, kabilang na si Comedy Genius Michael V.
Ang nagsulat ng naturang kanta ay ang composer na si Arnie Mendranos. Aniya, walang iba kundi ang mga frontliner ang naging inspirasyon niya habang inililimbag ang mga liriko nito.
“Inspiration ko talaga 'yung mga frontliner natin. 'Yung greatness nila, 'yung heroism and 'yung sacrifices nila,” lahad ni Arnie.
Ayon naman kay Michael V, pumayag siyang makilahok sa proyektong ito upang mas ipahayag pa ang importasya at sakripisyo ng mga nasa frontline.
“Feeling ko wala akong magagawa against this and from where I am. Kaya ko mag-record, kaya ko mag-send ng files, pero 'yung tipong ginagawa ng mga frontliners, hindi ko kaya.
“Kaya nu'ng sinabihan ako ni Albert kung available ako, sabi ko, 'Oo naman. Sino bang hindi available ngayon',” dagdag pa ng actor-comedian.
Kabilang din sa mga umawit sina Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones at musician Ricky Gonzales na mga tinamaan ng virus at gumaling din.
“Nagkaroon ng impact at meaning 'yung kanta dahil talagang sila mismo, na-experience nila ang kadakilaan at kabayanihan ng mga frontliner natin,” sabi pa ni Michael V.
Ngunit sa kabila ng magandang mensahe ng kanta, may kinaharap agad itong suliranin dahil sa unang araw pa lang ng release ay napirata na agad ito.
“'Yan na talaga ang kalagayan ng Pilipinas, e. Gaya ng mga sinasabi ko sa mga anak ko, kapag tama ang ginagawa mo, tama magiging resulta,” sabi pa ng actor-comedian.
Panoorin ang buong 24 Oras report:
Kapuso stars honor COVID-19 frontliners for service and dedication
Michael V. reminds public to avoid panic buying via artwork
Michael V. persuades public to turn attention to old hobbies during home quarantine