
Limang buwan na mula nang isilang ni Dancing Diva Regine Tolentino si baby Rosie at kamakailan ay nagkaroon ng pagkakataon ang Unang Hirit na maka-usap ito sa isang eksklusibong panayam.
Sa interview, ibinahagi ng celebrity mom na hindi naging madali ang kanyang panganganak dahil sa banta ng COVID-19. Noong araw na isilang si Baby Rosie ay siya ring umpisa ng enhanced community qurantine sa Luzon.
“It was crazy because my due date was actually mid-March and I was telling my doctor nu'ng umpisa pa lang ng March, 'Can we work na because I'm so scared.' We were so praning.
“Then finally we gave birth on March 17 and it was just crazy and all. Everybody looked stressed out, pati kami praning kami sa lahat. I had a long labor, 26 hours,” aniya.
COVID-19 thread
Ikinuwento din ni Regine na mas lalong naging kumplikado ang sitwasyon dahil nang ipanganak si baby Rosie ay nagkalagnat at pneumonia ito. “When she came out, it made it more complicated because she had a fever and pneumonia.
Dahil dito, tinest din si Rosie para sa COVID-19.
“She was confined for 10 days, ako naman six days. So after I was discharged, I'm going back to the hospital everyday to breastfeed also.
“Stressful because of all the checkpoints and du'n mismo sa hospital,” dagdag pa niya.
Itinuturing ng designer at fitness advocate ang kanyang one-month-old na si baby Rosie na isang miracle child dahil hindi niya akalaing sa edad na 41 ay mabibiyayaan pa siya ng anak.
“I'm 41 and I found out that I was pregnant at actually five and a half months. I was super surprised because I'm actually irregular.
Sa ngayon ay maayos na ang kalagayan ni baby Rosie at na-eenjoy ni Regine ang kanyang pagiging full-time mom.
Mas kilalanin si baby Rosie sa morning chikahan ng Unang Hirit kay Regine Tolentino: