
Napakuwento sa Instagram ang highly respected actress/singer na si Sharon Cuneta tungkol sa pelikula na ginawa niya noong '80s kasama ang late film legend na si Lino Brocka.
Sharon Cuneta urged to exercise with husband Kiko Pangilinan
Sa Instagram post niya noong April 23, ibinahagi niya ang experience nang mag-shoot sila sa tambakan ng basura sa Payatas noong 1987 para sa blockbuster movie na "Pasan Ko Ang Daigdig."
Ayon kay Sharon, ibinuhos daw niya ang buong sarili sa project dahil kakahiwalay lang niya noon sa kanyang first husband na si Gabby Concepcion. Kung maalala niyo, ikinasal sina Sharon at Gabby noong September 23, 1984.
Aniya, "Nakahumble sa akin ang buong experience ko dyan. Habang talagang "pasan Ko ang daigdig" dahil biglang hiwalay na ako sa first husband ko. Kaya bigay-todo. Dun ko na binuhos lahat."
Napabilib daw niya ang award-winning director na si Lino Brocka sa performance niya sa "Pasan Ko Ang Daigdig," dahil wala daw itong arte sa lahat ng pinagawa niya.
Saad ng Megastar, "Sabi ni Direk when we became really close, galit daw siya sa mga may titulong "star" kasi tingin niya lahat spoiled.
"Kaya nagulat daw siya nung lahat ng iutos niya sa akin na gawin pati pagsalubong sa totoong trak ng basura at paggulong sa basura, ang sagot ko lang "Opo Direk. Paano nyo po gusto?"
Kaya ganun naman ang lungkot ni Sharon Cuneta nang mamatay sa isang car accident ang film icon na si Direk Lino noong 1991.
"Ni-love na daw niya ako from then on! Tapos we remained close for many years. His sudden death devastated me. I will always miss him and be forever grateful to him."
Ni-remake naman ng Kapuso Network ang Pasan Ko Ang Daigdig taong 2007 at ipinalabas ito sa GMA sa hapon kung saan bumida sina Yasmien Kurdi and JC de Vera.
Yasmien, JC brave slums in Pasan Ko Ang Daigdig