
"Magkakaiba kami.”
Ito ang exact words ni BB Gandanghari sa kanyang Instagram Live noong Linggo, April 26 nang ikumpara siya ng kanyang fans sa iba't ibang stars na miyembro ng LGBTQIA+ community tulad na lamang ni Paolo Ballesteros at Vice Ganda.
“Before anything else, gay siya [Vice Ganda]. Magkakaiba naman kami, actually. He's gay and I'm not gay. Mahilig lang siya mag-makeup na mas makapal pa sa drag queens.
“Drag queen ba siya?” tanong ni BB sa kanyang fans.
“Ang alam ko si Pocholo [Paolo Ballesteros] sa Eat Bulaga. 'Yun drag ang ginagawa niya.”
Dagdag pa ni BB, kailangan maging maingat ang mga Pinoy celebrities at Filipino film industry na i-represent ang LGBTQIA+ community dahil maraming aspeto nito ang ma-misinterpret ng tao.
Aniya, “Kaya it's also very confusing. I'm not going against sa mga pelikulang ginawa nila pero hindi kasi trans ang nakikita ko d'yan kundi mga drag queen.
“E, in fair[ness] naman sa trans, parang nakaka-misrepresent minsan, 'di ba?
“Kasi 'di naman talaga laging ganun kakapal ang makeup namin. Hahaha!
“At 'di naman nanggagaling sa lalaki lang ang kaligayahan. Kasi palagi na lang 'pag napapanuod ko 'yung mga ganun, laging sentro na lang ng kaligayahan ay 'yung lalaki na nakapagbibigay. Like, really?”
BB Gandanghari expressed her distress over misinterpretation of trans community in Filipino films. | Source: gandangharibb (IG)
Matagal nang tinalikuran ni BB ang dati niyang pagkatao bilang ang matinee idol na si Rustom Padilla.
Noong 2019, ibinahagi niya ang isang screenshot na nanghihingi ng respeto sa mga kumikilala sa kanyan bilang isang lalaki.
Saad niya sa Instagram noon, “What is misgendering? Misgendering occurs when you intentionally or unintentionally refer to a person or use a language to describe a person that doesn't align with their affirmed gender.
“With all due respect, I don't think I can allow anyone to misgender me or even address me by my deadname. My preferred gender pronoun is her and she, and you may call me BB or by my legal name, Binibini.”
From matinee idol to a binibini: The colorful and transformative life of BB Gandanghari
BB Gandanghari opens up about currents status with former wife Carmina Villarroel