What's Hot

Rochelle Pangilinan at ilang SexBomb singers, nag-online reunion

By Cherry Sun
Published April 28, 2020 12:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Revilla posts P90K bail for graft case over alleged ghost flood control project
Dagan sa Panahon atong Sayran | Balitang Bisdak
Italian fashion designer Valentino passes away

Article Inside Page


Showbiz News

SexBomb Girls online reunion


Alam naming na-miss niyo rin silang makitang magkakasama! Maki-join sa kwentuhan at kantahan ng SexBomb Girls na sina Rochelle Pangilinan, Jopay Paguia, Izzy Trazona, Yvette Lopez, Weng Ibarra, at Monic Icban.

Isang online reunion ang ginawa ng SexBomb Girls singers na sina Rochelle Pangilinan, Jopay Paguia, Izzy Trazona, Yvette Lopez, Weng Ibarra, at Monic Icban.

Nagkamustahan sina Rochelle, Jopay, Izzy, Yvette, Weng at Monic sa pamamagitan ng isang video conference.

Nagkuwentuhan sila tungkol sa kanilang mga pinagkaabalahan ngayong may COVID-19 crisis at nagpalitan ng mga karanasan tungkol sa kani-kanilang buhay bilang isang asawa at ina. Napa-reminisce din ang SexBomb Girls sa mga panahon ng kanilang kasikatan.

Bago matapos ang kanilang video, inihayag ni Rochelle na ang kanilang online reunion ay para manghikayat ng donasyon at suporta para sa frontliners. Sa pangunguna rin ni Yvette ay inihandog nila ang kantang “Tahanan,” isa sa theme songs ng Daisy Siete.

IN PHOTOS: SexBomb dancers na certified mommies na ngayon

Sexbomb Girls dance 'Tala' with former manager Joy Cancio

SexBomb: Noon at ngayon