
Kitang-kita ng netizens ang pagkakahawig ng Kapuso actor na si Benjamin Alves sa kanyang tiyuhin na si Piolo Pascual sa litratong ibinahagi ng Kapuso actor sa kanyang Instagram account.
Kuha ang larawan noong 2006 nang sumali si Benjamin sa isang model-search competition.
“Take Me Back Tuesday,” sulat ni Benjamin sa caption ng kanyang larawan.
15 reasons why Benjamin Alves is the boyfriend you'd want to introduce to your parents
Komento ng ilang netizens sa post ni Benjamin, mana-manang siya sa kanyang tito Piolo at sa anak nitong si Iñigo Pascual.
“Tiyuhin mo talaga si Papa Piolo P., may hawig din kayo,” komento ng isang user.