Tweetbiz: Nagkuwento pa ang komedyante ng mga nakakatawang experience noong siya ay nag-uumpisa pa lang sa likod ng camera sa bakuran ng GMA network.
Nakausap kamakailan ng Tweetbiz ang nagbabalik-Kapuso na si Bayani Agbayani at ibinahagi nito sa mga Tweetmosi-in-chief at paparazzi ang kasiyahan niya sa kanyang pagbabalik sa dating tahanan. Nagkuwento pa ang komedyante ng mga nakakatawang experience noong siya ay nag-uumpisa pa lang sa likod ng camera sa bakuran ng GMA network. Ikinuwento rin ni Bayani ang mga dapat abangan sa kanyang bagong show sa GMA-7, ang Todo-Bigay. -- TweetbizTWEETBIZ airs from Monday to Friday, 7:00 p.m. on Q Channel 11.