GMA Logo Kris Aquino live online show
What's Hot

Kris Aquino, nangakong mamimigay ng cash gifts sa kanyang live online show

By Marah Ruiz
Published April 30, 2020 12:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Prosecutor: Ayon sa medical experts, ‘fit’ na lumahok sa ICC pre-trial proceedings si Duterte
Straight from the Expert: Lechon, the star of every Filipino Christmas table (Teaser)
PRO-10 deploys nearly 500 cops to boost holiday security in NorthMin

Article Inside Page


Showbiz News

Kris Aquino live online show


Dahil sa patuloy na suporta sa kanyang defunct show, nangako si Kris Aquino na magbabalik siya online sa pamamagitan ng isang live show kung saan mamimigay siya ng cash gifts.

Nagpasalamat si Kris Aquino dahil sa patuloy na suporta na natatanggap ng kanyang defunct show na ipinalabas noon sa kabilang istasyon.

Dahil dito, nangako siya na magbabalik ang kanyang regular vlogs. Natigil kasi ang mga ito dahil sa banta ng COVID-19.

Naabutan si Kris at kanyang mga anak na sina Josh at Bimby ng enhanced community quarantine habang nagbabakasyon sa Boracay.

"It feels wonderful to have been missed. For my online family, we're going back to what made you enjoy watching me, whether on digital or when I was still on network TV--cooking easy but yummy recipes and showcasing the beauty of the Philippines," pahayag niya sa isang bagong video sa kanyang official YouTube channel.

Nagpaplano na raw siya at kanyang management ng kanyang online comeback, kabilang ang isang live online show.

"Please give Cornerstone and me the chance to fix logistics because kung miss n'yo 'ko, I felt incomplete not being able to connect with all of you," aniya.

Nangako siyang magiging paraan ng pagtulong ang kanyang online show.

"Alam ko rin through the years, that you appreciate gestures of sharing blessings and my heart breaks for all the daily wage earners kaya when I start doing my live online show, gagawan ko ng paraan na makapagbigay ng cash gifts habang patuloy ang laban natin," dagdag niya.

Samantala, panoorin ang pagluluto ni Kris ng kanyang Puttanesca Pasta recipe habang nasa isang resort sa Boracay.



Kasalukuyang nasa ipinapatayong beach resort ni Willie Revillame sa Puerto Galera si Kris at kanyang mga anak.

Dito muna sila mamamalagi habang hindi pa sila makabalik sa Maynila.