This is a direct quote from former actor Hayden Kho sa kanyang exclusive power chat with Tweetbiz.
This is a direct quote from former actor Hayden Kho sa kanyang exclusive power chat with Tweetbiz.
Nanindigan siya na intestinal flu ang dahilan ng kanyang pagkaka-confine sa ospital for four days.
Nilinaw rin ng actor ang Tagaytay incident na ikinuwento ng diumano’y witnesses sa kanyang rumored suicide attempt. Sinabi niya na hindi totoong bumangga sa poste ang kotseng sinasakyan niya. Hindi rin daw totoo na natagpuan siyang nakahandusay sa isang pinyahan. Nagulat na lang daw siya sa mga naglabasang balita sa TV na nagsaksak daw siya ng injection.
Dineny din ni Hayden na ang nasabing insidente ay love related. Hindi rin daw ito dahil sa pagiging depressed niya nang ma-revoke ang license niya bilang doctor!
Bukas lalabas ang kalahati ng kanyang controversial interview kung saan nagbigay siya ng detalye sa tunay na estado ng relasyon nila ngayon ni Dra. Belo. May kaabang-abang din siyang mensahe kina Katrina Halili at Lolit Solis! --Tweetbiz
TWEETBIZ airs from Monday to Friday, 7:00 p.m. on Q Channel 11.