Showbiz News

Kapuso kids, tampok sa #HealingHearts kasama si John Feir ngayong May 1

By Cherry Sun

Tampok ang celebrity kids na sina Yuan Francisco, Angelica Ulip, Seth dela Cruz, Euwenn Mikaell at Raphael Landicho sa 'Healing Hearts' ngayong araw, May 1.

Ang limang Kapuso stars ang makakasama natin sa livestream ng 'Healing Hearts' mamayang 4 P.M. Kasama rin nila bilang host si Joh Feir.

Ang kanilang live session ay maaaring mapanood sa Facebook page ng GMA Artist Center.

Ang 'Healing Hearts' ay isang online platform upang makalikom ng donasyon at suportahan ang Kapuso Foundation sa pagtulong sa mga kababayang apektado ng COVID-19 crisis ngayon.

Maaaring bisitahin ang www.ticket2me.net para sa karagdagang detalye.

GMA Artist Center stars help raise funds through #HealingHearts, an online donation campaign

TINGNAN: Pinoy celebrities, pinairal ang bayanihan sa gitna ng COVID-19

LIST: How to help frontliners during enhanced community quarantine