Article Inside Page
Showbiz News
Sa exclusive interview with iGMA, inamin ni Katrina na masaya siya sa kanyang pagbabalik-Darna at dapat abangan kung ano ang gagawin niya dito.
Katrina Halili returns sa Darna. At malaki ang pasasalamat niya dahil nabilang muli siya sa istorya ng popular comic book super hero na kinagigiliwan ng lahat ng Pinoy. Text by Erick Mataverde. Photos by Mitch S. Mauricio and courtesy of GMA Network.
Nang makausap ng iGMA si Katrina Halili, nagpamalas siya ng tuwa sa kanyang pagbalik-
Darna. Sumbat ni Katrina na, "Siyempre, happy ako dahil ano 'di ba? Matagal na din po akong nawala sa Fantaserye so medyo nakaka-miss din (laughs), ayun sobrang excited ako."

Fresh from being featured sa katatapos lang na
Rosalinda, inamin ni Katrina na nami-miss pa rin niya ito.
"Unang-unang mamimiss ko [sa
Rosalinda], siyempre si Direk Maryo (J. delosReyes), si Direk Rado (Peru). At siyempre, lahat ng cast po at lahat ng buong production, sila-sila, siyempre parang naging family ko na din sila dahil for four months din kami nag-shoot," balik-tanaw niya.
Nagbigay din si Katrina ng kaunting back story sa karakter niya bilang Serpina sa
Darna. "Actually ‘yung character ko po nung bata pa din po siya, 'di ba? Lumaki lang siya pero siya pa din."
Si Serpina ang naging anak ni Kobra (Paolo Contis) kay Roma, ang Babaeng Impakta (Nadine Samonte). At sa mga darating na episode, mapapanood natin si Serpina na magiging malupit na katunggali ni Marian Rivera bilang
Darna.
From Marimar to Darna
And, speaking of Marian, Katrina promises na gagawin niya ang lahat upang mas lalo pang maging interesting ang
Darna sa mga manonood.
"Expect the best! Oo, siyempre ibibigay ko ‘yung best ko, di ba? So abangan na lang po nila – alam ko naman namiss ng mga tao ‘yung pagiging super villain ko dahil sa
Rosalinda hindi naman ako villain doon, 'di ba?" deklara niya. "So dapat po nilang abangan and siyempre ‘yung balik tambalan namin ni Marian after
Marimar sa
Darna naman."
Saad ni Katrina na talagang kakaiba naman si Serpina sa dati niyang role bilang si Black Darna four years ago.
"Kasi bonggang-bongga – ang hirap ay dahil ang haba, especially yung hair ko, sobrang bigat. Pero maganda naman po, sobrang bigat [lang], 'yun 'yung powers ko, parang sawa siya," kuwento niya.
At dahil dito ang mga tagpo ng
Darna ay mas lalo nang magiging exciting sa paglabas ni Katrina bilang si Serpina.
"Kaya sana po araw-araw nila abangan ang
Darna, manood po sila palagi ng
Darna at abangan po nila palagi si Serpina," ang imbitayon niya sa mga masugid na fans ng number one prime time hit sa GMA Telebabad.
Pag-usapan si Katrina Halili! Mag-log on na sa mas pinagandang
iGMAForums! Not yet a member? Register here!
Kamustahin si Katrina via Fanatxt! Text KATRINA ON [Your Message] and send to 4627 for all networks. For GOMMS Wallpaper, text GOMMS KATRINA ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.