What's Hot

Ang Panday, may music video na!

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated October 17, 2020 6:55 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Eman Pacquiao, naghahanda sa pagsasanay para sa kaniyang laban sa Pebrero 2026
#WilmaPH moves north of E. Samar, over waters of Dolores
Netflix is buying Warner Bros.

Article Inside Page


Showbiz News



GMA Films and Imus Productions launched the music video of "Ang Panday" last December 16, featuring Ely Buendia and his band, Pupil.
Noong December 16, may sorpresa na naman na inilabas ang pelikulang "Ang Panday." Nag-launch ang GMA Films at Imus Productions ng music video of the movie featuring no less than Ely Buendia. Text by Loretta G. Ramirez based on interviews from Chika Minute. Photos by Mitch S. Mauricio Marami ang nagagandahan sa trailer ng Ang Panday na nagpamalas ng impressive special effects at computer graphics. Halatang pinagkagastusan at pinaghandaan ng husto ang pelikula to give justice to Fernando Poe Jr.'s legacy. starsPero hindi pa tumigil doon ang mga producers ng movie dahil they enlisted the help of Ely Buendia and his band, Pupil, to make a music video for the movie. "We did our part sa pagpapaganda ng pelikula, pero sa ginawa nila sa music video mas lalo nilang pinalaki ang pelikulang Ang Panday, that is why maraming salamat kay Ely at sa Pupil," ang kuwento ni Sen. Bong Revilla sa launch ng music video sa isang club sa The Fort. At talaga namang impressive ang kinalabasan ng music video ng pelikula dahil ayon mismo kay Ely Buendia, ang front man ng Pupil: "Sinubukan namin i-match ang pagka action oriented, and fantasy and horror na movie. Sinubukan naming lagyan ng ganung feeling". Idinagdag naman ng guitarist ng banda na si Yan Yuson, "we are proud to have been chosen and to have been trusted to come up with an epic song for what is to become an epic blockbuster hit para sa darating na film fest. We are just proud to be a part of it." At dapat lang naman na maging proud si Ely and the rest of the band, dahil maganda ang kinalabasan ng theme song at music video. "Nagpapasalamat ako kay Mr. Ely Buendia para sa napakagandang pagkanta ng ating theme song at sa pagkakagawa niya sa theme song. Talagang saludo ako, hindi niya ako tagahanga dati, ngayon idol ko na siya. Ang galing niya!" Ito ang reaction ni Sen. Bong nang mapanood niya ang kabuuan ng video. Kayo ano ang masasabi ninyo?
Tiyak na excited na kayong mapanood ang epic movie ng taon, Ang Panday! Kaya naman huwag palamapasin ang MMFF entry ng GMA Films at Imus Productions which will shown starting December 25 in theaters nationwide. Pag-usapan ang music video ng Ang Panday sa pinagandang iGMA Forum! Not yet a member? Register here!