
Ipinahayag ni Joyce Pring na akma ang kanta niyang “Alone Together” ngayong sabay-sabay na pinagdaraanan ng publiko ang COVID-19 crisis sa bansa.
Ang “Alone Together” ay isinulat niya dalawang taon na ang nakararaan katuwang ang kapatid niyang si Victor Pring at vlog creative group na U Do U.
Dagdag pa ni Joyce, ang awitin ay isinulat niya para bigyang-inspirasyon ang mga taong dumaranas ng mental health issues.
“Lahat tayo parang nakaka-relate du'n sa feeling na I feel alone. Parang lahat tayo isolated sa bahay. Kung hindi ka frontliner na talagang isolated because of what you're doing, isolated ka naman sa bahay because of your family or just on your own.
“I feel like a lot of people are feeling alone but dahil nga lahat tayo nakaka-experience nito, we are facing it together,” aniya.
Joyce Pring talks about mental health amid COVID-19 pandemic on latest podcast
Katuwang pa rin ang kanyang kapatid at grupong U Do U, balak nilang gumawa ng music video gamit ang mga clips ng mga indibidwal na kakasa sa kanilang #AloneTogether Challenge.
“Anybody who'd like to join, take a video of themselves na nasa bahay sila o nagtatrabaho sila as frontliners or essential workers, just send that video to us with a #AloneTogetherPH,” sabi pa ni Joyce.
Bukod dito, inilaan din ni Joyce ang quarantine period para gumawa ng artworks at poetry na kanyang ibinebenta. Aniya, ang kikitain ng kanyang campaign ay mapupunta sa frontliners.
“Hindi tayo doctors or nurses. Hindi natin kayang maging heroes in that way pero naniniwala ako na even in our tiny ways, by creating music or creating a spirit of union, we can actually be heroes in our own way,” aniya.
Nitong Lunes, May 4, ay ipinagdiwang ng Unang Hirit host ang kanyang 27th birthday.
Samantala, dati nang nagpahayag si Joyce na nakararanas umano siya ng anxiety attacks bunsod ng enhanced community quarantine at COVID-19 crisis sa bansa.
Panoorin ang buong 24 Oras report: