Article Inside Page
Showbiz News
Masasaksihan na natin ang pagdating ni Demonyita sa 'Darna' ngayong linggo. Kilalanin natin siya.
This week masasaksihan na din natin ang pagdating ng isa pang kontrabida na kapangyarihan lang ang tanging asam. Sino nga ba si Demonyita? Text by Erick Mataverde. Photos by Mitch S. Mauricio and courtesy of GMA Network.

When iGMA got to talk with Jackie Rice about her villainous debut sa
Darna bilang si Helga, ang Demonyita, mixed-feelings ang ipinamalas niya sa panibagong role niya dito.
Bakit kaya?
"Siyempre masaya kasi, lahat naman ng nag-kontrabida dito sa
Darna sobrang magaling, kaya din naman ako nafru-frustrate," she revealed.
At dahilan pa ni Jackie na nahirapan siyang maghanap ng basehan ni Helga, "Actually, hindi ko alam kung sinong gagayahin ko, kasi mostly, alam k,o na demonyo eh lalaki.
"Kasi ngayon lang main character na ang gagampanan ko, kontrabida 'yung role. So hindi lang siya support at kailangan ko talagang pag-aralan," she further explained.
And, for her, this is a good opportunity para ipamalas ang pagiging seryoso na niya sa kanyang career. Matatandaan natin that Jackie's new image has been the talk-of-the-town nang lumabas siya sa cover ng July 2009 issue ng
Maxim, isang men's magazine.
She further divulges na ang concentration niya ngayon ay focused on declaring to her fans that she has grown up, at handa na siya for more challenging roles.

"Okay naman, wala namang problema – 'yun nga eh. Kaya lang 'yung pagiging kontrabida dito sa
Darna, kinakabahan talaga ako. Kasi maraming nage-expect na tao ng hindi na 'yung katulad ng dati kong roles," Jackie declares. "Hindi na bata eh, eto talagang mature na role na ito. At saka masaya at challenging siya para sa akin – from the make-up pa lang na inilalagay sa katawan ko to the costume. Lahat eh!"
Sa mga huling taping niya sa
Darna, though, she says na medyo may level of difficulty din naman pero hindi exactly sa pag-arte. Actually for her, ang experience niya sa
Darna ay, "Masaya! Pero, 'yung contact lens ko ang hirap ilagay at tanggalin. Sobrang hirap din ng first time kong mag-prosthetics."
Pero siyempre nilinaw niya na enjoy naman siya at, siyempre, very thankful sa mga breaks na nakakamtan niya ngayon. As a matter-of-fact tampok din siya sa pelikula ni Vic "Bossing" Sotto na
Ang Darling Kong Aswang na entry sa Metro Manila Film Festival this year.
Jackie, therefore, invites her fans na panoorin ang umpisa ng pagbabagong anyo niya sa
Darna: "Ako po si Demonyita dito sa
Darna – sana abangan ninyo ako – and sana patuloy nilang abangan ang
Darna dahil eto, second season na. Congrats sa
Darna!"
Pag-usapan si Jackie Rice! Mag-log on na sa mas pinagandang
iGMAForum! Not yet a member? Register here!
Kamustahin si Jackie via Fanatxt! Text JACKIE ON [Your Message] and send to 4627 for all networks. For GOMMS Wallpaper, text GOMMS JACKIE ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.