GMA Logo Jennylyn Mercado
What's Hot

Jennylyn Mercado, hanga sa TikTok videos ni Mark Herras

By Jansen Ramos
Published May 6, 2020 10:45 AM PHT
Updated May 6, 2020 11:25 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PITX logs 180k passengers bound for provinces ahead of Christmas
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust
Marco Masa attends movie premiere with his Kuya Justin

Article Inside Page


Showbiz News

Jennylyn Mercado


Sa kanyang Facebook page, ishinare ni Jennylyn Mercado ang TikTok videos ng kanyang ex-boyfriend at mabuting kaibigan na si Mark Herras.

Nagpahayag si Jennylyn Mercado ng paghanga sa kanyang ex-boyfriend at malapit na kaibigan na si Mark Herras, ang binansagang "Bad Boy ng Dance Floor." Ito ay matapos magtrend ang huli dahil sa kanyang TikTok videos.

Mark Herras, nagulat sa pagiging viral ng kanyang 'Average Joe' dance video sa Tiktok

Sa isang Facebook post, ishinare ng Descendants of the Sun lead actress ang isang post na naglalaman ng TikTok dance videos ng kapwa niya StarStruck Season 1 Ultimate Survivor.

Sabi ni Jennylyn, "Ginalingan naman po masyado!"

Dinugtungan pa niya ito ng "#Topaks" ang tawag sa mga taga-suporta sa kanilang love team ni Mark.

Sa hiwalay na post, binalikan ni Jennylyn ang kulitan nila ni Mark habang nasa set ng kanilang pinagsamahang serye.

Ibinahagi ng aktres ang isang throwback video kung saan makikitang sumasayaw sila sa 2013 hit single na "Talk Dirty" habang nagkakatuwaan.

Sabi ni Jennylyn, "Buhay na buhay na naman ang mga #Topaks! Pa-throwback muna tayo."

Dugtong pa niya, "Iba talaga ang kilig ng orig!"

Isang taong nagkarelasyon sina Jennylyn at Mark bilang boyfriend at girlfriend.

Nanatili silang magkaibigan matapos ang kanilang hiwalayan.