What's Hot

'Bubble Gang' star Diego Llorico, emosyonal sa pagpanaw ni Babajie

By Dianara Alegre
Published November 30, 2026 8:01 AM PHT
Updated May 6, 2020 11:52 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Former Nueva Ecija Mayor nabbed in buy-bust
YEARENDER: Calamities that hit W. Visayas, NegOcc in 2025
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

Babajie


Nagpaabot ng pakikiramay sina 'Bubble Gang' stars Diego Llorico at Arny Ross sa yumaong si Babajie.

Sumakabilang buhay na ang komedyanteng si Babajie o Alfredo Cornejo Jr. dahil sa sakit na tuberculosis at malnutrition, nitong Lunes, May 4.

Madalas siyang napanood sa gag show na Bubble Gang at tumatak din sa publiko ang pagtatampok sa kanya ng Kapuso Mo, Jessica Soho kasama ang kanyang special Italian friend.

Samantala, naging emosyonal si Bubble Gang actor Diego Llorico nang kunan ng panayam ng 24 Oras tungkol sa yumao niyang kaibigan.

“Sana masaya na siya ngayon kasi hindi na siya mahihirapan. Nalulungkot talaga ako kasi nasanay na ako na kasama siya sa mga taping, sa feeding program.

“Tapos madalas niya akong pinupuntahan sa bahay kasi mag-isa lang ako rito,” aniya.

Bukod kay Diego, nagbahagi rin ng kanyang saloobin ang Bubble Gang actress na si Arny Ross sa pagpanaw ni Babajie.

“Recently, halos nagkakasama kami palagi sa feeding program ni Mama Diego. Sumasama ako du'n and kasama rin namin siya. Nagpapasaya ng mga tao, kumakanta 'yan, e.

“Napakabuting tao, napakabuti ng puso ni Babajie. Gusto niya lang palagi magpasaya ng mga tao. Rest in peace, Babajie,” aniya.

Sa kanyang huling sandali ay kapiling niya ang ina na si Minda Cornejo at nilinaw nitong walang kinalaman sa COVID-19 ang ikinamatay ni Babajie.

Panoorin ang buong 24 Oras report: