Article Inside Page
Showbiz News
Ngayong Kapaskuhan iGMA asked your favorite Kapuso stars kung ano ba ang wishes nila this Christmas. Alamin kung ano at para kanino ang kanilang mga kahilingan.
Ngayong Kapaskuhan iGMA asked your favorite Kapuso stars kung ano ba ang wish nila this Christmas. Alamin kung ano at para kanino ang kanilang mga kahilingan. Interviews by Loretta G. Ramirez, Jason John Lim and Jose Enrique Mataverde. Photos by Mitch S. Mauricio.
Marian Rivera:”Sana ngayong Pasko mas maraming magmahalan kaysa magaway. Kahit gamit na gamit na ‘yung salita na ‘yan, kasi iyan ang kailangan eh. Kapag may love, dire-diretso na ‘yan, lahat magiging okay. Love talaga.”
Richard Gutierrez: "Sana sa Pasko magkasama-sama kaming buong pamilya at sana makapagpahinga ako ng maayos para may energy ako sa Pasko."
Sen. Bong Revilla: “Sana ngayong Pasko, maging successful ang pelikulang ‘Ang Panday’ at maibigan nila ito.”
Dennis Trillo: “Sana ngayong Pasko, maki-cooperate lahat ng tao na suportahan talaga ang paggawa ng pelikulang Pilipino. ‘Tsaka para sa pamilya ko naman, siyempre gusto ko na magkaroon kami ng quality time – bonding, kasama ‘yung anak ko, kasama ‘yung buong pamilya. At siyempre gusto ko makalimutan nila lahat ng problema nila.”
Rhian Ramos: "After everything that happened this year, siguro my Christmas wish for everyone is just: healing. I think everyone needs healing and unity. Sa lahat ng pangit na bagay na dinala sa atin ng bagyo may isa siyang maganda na binigay sa atin, at ‘yun ‘yung unity na everyone came together. We became one to help each other, walang social classes, walang kahit ano. Lahat tayo tumulong para sa isang motivation, and I think that's what we need this Christmas, and that's what the whole country needs. And I hope na mawala lahat ng pain."
Mark Anthony Fernandez: “ Sana ngayong Pasko, talagang ilagay natin sa isip natin na kahit hindi pasko, tayong lahat dapat maging merry. Tapos lagi nating iisipin na huwag gumawa ng mali sa kapwa.”
Iza Calzado:“Sana ngayong Pasko manaig ang pagmamamahal at kapayapaan sa ating bansa.”
Aljur Abrenica: "Sana ngayong Pasko ay lahat ng mga magkakamag-anak, lahat ng pamilya mabuo ulit; lahat ng mga problema mawala, lahat-lahat ng mga nangyaring masasama sa 2009 ay makalimutan na."
Kris Bernal: "Sana ngayong Pasko makaahon tayong lahat at mag bagong buhay ang mga dapat mag bagong buhay."
Keempee de Leon: "Sana ngayong Pasko lahat maging saya, lalo na ‘yung mga nasalanta noong Ondoy. Although, medyo nagkakulang-kulang sila sa gamit o sa titirhan, kung ano ‘yung maibibigay na tulong na lang natin para maging kumpleto ‘yung Pasko nila, ‘yun ay isang malaking bagay para sa kanila."
Isabel Oli: "Sana sa Pasko ay kumpleto talaga kami—nasa Singapore kasi ‘yung family ko."
Ikaw, Kapuso? Ano ang gusto mong mangyari ngayong Pasko? Share mo naman sa amin sa pinagandang iGMA forums! Not yet a member? Register here!
At 'wag nang magpahuli sa balita! Lagi kang updated sa mga ginagawa ng idol mo sa Fanatxt!
Just text FANATXT to 4627 sa lahat ng telcos para malaman kung sinu-sino ang mga celebrities na puwede mong maka-bonding! Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.)