GMA Logo Elijah Alejo
What's Hot

Elijah Alejo, nilinaw na hindi sila magkaaway ni Jillian Ward

By Aaron Brennt Eusebio
Published May 11, 2020 2:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Elijah Alejo


Hanggang sa 'Prima Donnas' lang ang awayan nina Donna Marie at Brianna dahil nilinaw ni Elijah Alejo na hindi sila magkaaway ni Jillian Ward sa totoong buhay.

Magkaaway man sa Prima Donnas ang kanilang mga karakter na sina Donna Marie at Brianna, nilinaw ni Elijah Alejo, na gumaganap bilang Brianna, na hanggang camera lang ang kanilang awayan ni Jillian Ward, na gumaganap naman bilang Donna Marie.

Sa kanyang mukbang Q and A vlog, pinaliwanag ni Elijah na hindi nila pinapatamaan ang isa't isa sa Twitter.

“Ang masasabi ko lang sa mga nagsasabi na magkaaway kami ni Jill, ang i-issue n'yo sobra,” paliwanag ni Elijah.

“Hindi nga kami magkaaway, e. Nung nakita namin 'yun, nag-usap kami, natatawa lang kami.

“Mema lang 'yung mga tine-tweet namin sa Twitter. Biglang sasabihin n'yo magkaaway kami, nagpaparinigan kami sa Twitter.

“Parang, saan niyo naman nakuha 'yung idea na 'yun, 'di ba?”


Sa katunayan, tinawag pa ni Elijah na 'best friend' si Jillian Ward noong kaarawan nito.

Sulat ni Elijah sa kaniyang mensahe, “Always remember na I will always be your shoulder to cry on kahit ako ang nagpapaiyak sa 'yo sa Prima Donnas.”

So hi @jillian magsisimula na ako HAHAHAHA🤣 Happy birthday sayo bebe!❤️ Tanda mo na pamilktea ka naman chos😜 Thank you for being my bestfriend for 11 years and counting🥰 Thank you dahil nakakasama kita minsan sa mga kalokohan moments ko🤣 Thank you dahil andyan ka para pagsabihan ako sa mga bagay na alam mong makakasama sakin (nanay talaga kita eh)🤣 Thank you kasi hindi ka naiinis kahit lagi kitang kinukulit (maiinis ka rin sakin soon)😘 Thank you dahil nagkaron ako ng sister sa presence mo (pero ikaw ang ate)👭🏻 And thank you din sa iba pang mga bagay (di ko na mamention lahat eh) I wish you all the best Jillian❤️ Stay the way you are😘 More candles to blow🥰 More years of friendship for us😍 Always remember na I will always be your shoulder to cry on kahit ako ang nagpapaiyak sayo sa PrimaDonnas🤣 Andito lang ako palagi through the ups and downs❤️ I love you Jilly koooo😘 Happy Birthday ulittt🎂 Enjoy your dayyyy😘

A post shared by Elijah Christian Alejo🎀 (@elijahalejo) on


Pansamantalang hindi napapanood ang Prima Donnas dahil tinigil ng GMA Network ang produksyon nito dahil sa banta ng COVID-19.

Mapapanood ang Onanay, na pinagbibidahan nina Mikee Quintos, Kate Valdez, Jo Berry, Cherie Gil, at Ms. Nora Aunor, sa timeslot ng Prima Donnas sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, mapapanood pa rin ang full catch-up episodes ng Prima Donnas sa GMANetwork.com o kaya sa GMA Network App.