GMA Logo Dingdong Dantes
What's Hot

Dingdong Dantes, katuwang ng DOH at FDCP sa anti-COVID-19 campaign

By Dianara Alegre
Published May 12, 2020 1:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Dingdong Dantes


Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, tuloy ang pagtulong sa komunidad laban sa COVID-19.

Tampok si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa public service announcement na pinangunahan ng Department of Health (DOH) at Film Development Council of the Philippines kaugnay ng pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa COVID-19 at kung paano ito maiiwasan.

Sa eksklusibong panayam ng 24 Oras, ibinahagi ni Dingdong kung paano siya naging katuwang ng DOH at FDCP para sa anti-COVID-19 advocacy campaign.

“Kinontak ako ni Liza Diño ng FDCP as well ni Pepe Diokno 'yung naging direktor ng infomercial. Ito para talaga sa telebisyon.

"Ipinakikita 'yung pinaka-basics, kung ano 'yung mga dapat gawin para malimitahan 'yung risks of having COVID-19.

“'Yung mga simpleng bagay na gano'n na siguro dati ay tine-take natin for granted ay napakahalaga talaga para makasalba tayo ng buhay,” aniya.

Walang bayad ang pagganap ni Dingdong dito at sa bahay niya mismo kinunan ang informercial. Bukod pa rito, katulong din niya ang asawang si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera rito.

“Siya 'yung nag-click ng camera. Ang galing nga e, kasi parang ang ganda nu'ng tandem namin pagdating sa ganu'n. Ang dali niyang matuto pagdating sa camera,” sabi ng aktor.

Isang post na ibinahagi ni Dingdong Dantes (@dongdantes) noong

Dingdong Dantes, nananawagang maging tapat sa mga health workers

Samantala, bilang pagdiriwang ng Mother's Day nitong May 10 ay nag-release si Dingdong ng short story na pinagbibidahan ni Marian habang naririnig sa background ang tulang ginawa ni Yan Yuzon.

Ito ay tungkol sa kagitingan ng mga ina para sa kanilang pamilya, lalung-lalo na para sa kanilang anak.

“Nag-compile 'yung mga videos ni Marian na marami siyang ginagawa sa kusina, lalung-lalo na 'yung mga ginagawa niya para sa mga anak namin. Naisip ko why not put something together and make it a Mother's Day offering,” aniya.

“Bukod sa ito ay pag-capture sa mga bagay na ginagawa ni Marian, [ito ay] para [rin] sabihin ko sa kanya how much I appreciate her.

“'Yung mga simpleng bagay na ito, ika nga ng tula ay maliit na bagay, is reflective sa mga ginagawa ng mga nanay,” sabi pa ni Dingdong.

Bilang Mother's Day treat para kay Marian, si Dingdong din umano ang nagluto para sa kanilang buong pamilya.

“Kung paano kami araw-araw pero 'yung naging pagkakaiba lang…kasi siya parati 'yung nagluluto para sa 'min pero du'n sa araw na 'yon, ako naman,”

Panoorin ang buong 24 Oras report: