
Naging maingay at makulit ang pagsabak ng Alpha Team ng Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) o DOTS sa “Jojowain o Totropahin” Challenge sa ikalawang episode ng “Parekuy's.”
Tampok dito ang Kapuso hunks na sina Rocco Nacino, Prince Clemente, Lucho Ayala, Paul Salas, at Jon Lucas.
Ang dapat sana'y boy talk lamang ay nagkaroon ng laglagan dahil pinangunahan ito ng moderator at comedian na si Divine Tetay.
Ayon sa kanila, ito ang unang pagkakataon na gagawin nila ang challenge.
“'Yung game na 'yan, first time kong gagawin so quite surprising pero for sure game naman tayo diyan,” sabi ni Lucho.
Ibinahagi naman ni Rocco na pinilit niya umanong makilala ang mga artistang nasa listahan para makapaghanda sila.
“Lahat ng powers na kaya ko gamitin para lang makuha 'yung script at kung sino 'yung nasa listahan, wala, ayaw ibigay. So ang boys magugulat na lang,” sabi naman ni Rocco.
Hindi naman itinanggi ni Jon na kinabahan siya sa naturang game, “'Yun nga 'yung nakakakaba du'n kasi siyempre malalaman din nila kung sino 'yung parang mga medyo bet namin, sino 'yung parang gusto naming jowain sa mga Kapuso artist natin.”
LOOK: Drool-worthy photos of 'Descendants of the Sun Ph's' Alpha Team
Panoorin kung sinong mga Kapuso female artist ang jojowain o totropahin ng Alpha Team sa official YouTube channel ng GMA Artist Center.