GMA Logo Angelo Vargas at ex bomb girls
What's Hot

KMJS: Iba't ibang quarantine game show, nagsulputan online

By Dianara Alegre
Published May 13, 2020 1:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LPA, shear line, Amihan, easterlies to bring cloudy skies, moderate to heavy rains
Farm to Table: (December 7, 2025) LIVE
Car driven by cop falls into ravine in Balamban, Cebu

Article Inside Page


Showbiz News

Angelo Vargas at ex bomb girls


Nababagot at gipit ngayong quarantine? Subukan ang iba't ibang quarantine game shows na tampok sa 'KMJS.'

May lunas na para sa mga bagot at nabubugnot sa quarantine dahil nagsulputan online ang iba't-ibang game shows kung saan pwedeng manalo ng aabot sa P10,000 cash o cellphone load.

Kagaya na lamang ng pakulo ni Angelo Vargas, tubong Caloocan City at isang announcer sa ospital, sa kanyang “Ang Mahiwagang Tunog” online game show.

Well-prepared si Angelo sa kanyang show dahil bukod sa mga papremyo ay may “ex-bomb” dancers pa siya.

Ang kailangan lang ay tumutok sa kanyang live chat at sagutin ang mga tanong na kanyang ibabato. Ang unang makakahula ng tamang sagot ang siyang makatatanggap ng premyo.

“Ang gusto ko sana talaga, cash. E, kung ipapadala ko naman, parang ang hirap. Kung ibibigay mo naman de-lata, baka after ng lockdown paglabas nila may mga kaliskis na 'yung mga tao. Kaya naisip ko load na lang,” sabi ni Angelo.

Samantala, halos dalawang buwan nang nakapirmi sa kani-kanilang mga bahay ang publiko dahil sa enhanced community quarantine.

Nitong Martes, May 12, naglabas na si Pangulong Rodrigo Duterte ng mga bagong regulasyon kaugnay ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECD), General Community Quarantine at pagpapawalang-bisa ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa ilang mga lungsod at lalawigan sa bansa.

Panoorin ang espesyal na pagtatampok na ito ng Kapuso Mo, Jessica Soho:

KMJS: Zion of God, exempted sa COVID-19?

KMJS: Lalaki mula Davao City, kinudkod na niyog ang tanging pagkain ngayong ECQ