GMA Logo Derrick Monasterio new music video
What's Hot

Derrick Monasterio, may music video para sa frontliners

By Maine Aquino
Published May 13, 2020 4:11 PM PHT
Updated May 15, 2020 10:50 AM PHT

Around GMA

Around GMA

'A Knight of the Seven Kingdoms' final trailer sets fun tone for 'Game of Thrones' prequel
Over 200 passengers stranded at Cebu City port due to #WilmaPH
NAIA is opening more food halls at Terminal 3

Article Inside Page


Showbiz News

Derrick Monasterio new music video


May inihahandang music video si Derrick Monasterio na isang pasasalamat at pagsaludo sa sakripisyo at dedikasyon ng magigiting nating frontliners.

May inihandang awitin si Derrick Monasterio para sa mga bayani ngayong COVID-19 pandemic.

Ngayong May 15, sa oras na 7:00 ng gabi, ilo-launch ni Derrick Monasterio ang kanyang bagong music video na "Panalangin sa Pagiging Bukas Palad."

Ang awiting ito ay inihahandog niya para sa frontliners na matapang na hinaharap ang laban sa COVID-19 pandemic.

Si Derrick ay nagbigay ng tribute sa kanyang kapwa Pilipino na patuloy na nagseserbisyo para sa kaligtasan ng nakararami.

Sa video na ito ipapadama niya ang kanyang pagpapasalamat sa frontliners, pati na rin ang kanyang paniniwala na may pag-asa pa sa gitna ng krisis.

Ang "Panalangin sa Pagiging Bukas Palad" ay isang collaboration project ni Derrick at ng GMA Artist Center, GMA Music, Wano Henson ang Xavier student na tumugtog ng awiting ito pati na rin ng Jesuit Music Ministry.

Abangan ang music video ni Derrick Monasterio na "Panalangin sa Pagiging Bukas Palad" ngayong darating na Biyernes, May 15, 7 p.m. sa GMA Network website at sa GMA Network YouTube channel.

Mga celebrities na naghatid ng tulong sa frontliners