
Nagsanib-puwersa ang ilang GMA celebrities para maghatid ng inspirasyon at pag-asa sa mga Kapuso sa pamamagitan ng video na “Balang Araw.” Ito ay naglalaman ng mga taos-pusong mensahe para sa kanilang mga masugid na manonood.
Magkakalayo man ngayon ang publiko dahil sa banta ng COVID-19, balang araw ay magkakaroon muli tayo pagkakataong magsama-sama at magsaya.
Sa pangunguna ni Centerstage host at Asia's Multimedia star Alden Richards, Julie Anne San Jose, Ken Chan, Rita Daniela at Gil Cuerva tampok sa 'Balang Araw' ang mga bida sa variety at musical shows ng GMA gaya nina Solenn Huessaff, Carmina Villarroel, Christian Bautista at marami pang iba.
GMA Variety shows artists
Sa eksklusibong panayam ng 24 Oras kay Rita, sinabi niyang malaking bagay na napasama siya sa proyektong ito.
“Hindi lang po kami nakikita as 'yung artista po na umaarte kundi magiging face rin po kami of hope for a lot of people and that means a lot,” ani Rita.
Ayon naman kay Gil, hindi lang sa pagdo-donate maaaring tumulong ang mga tao sa kanilang kapwa.
“One of the ways we can help other people is not just through donations but also maybe through sharing some inspiration,” aniya,
Ang pangunahing mensahe ng “Balang Araw“ ay ang pag-asa na maibabalik din ang lahat sa normal.
Samantala, ibinahagi naman ni Ken ang kanyang unang-unang gagawin sa oras na mapawalang-bisa ang quarantine.
“Ang una kong gagawin, ako at 'yung buong pamilya ko pupunta kami panigurado sa simbahan at sabay-sabay kaming magdadasal at hihingi ng pasalamat sa Panginoon natin,” aniya.
Kapuso stars offer prayers for the affected families of COVID-19
Tunghayan ang mensahe ng pag-asa at inspirasyon ng Kapuso stars sa video nilang “Balang Araw” dito: