GMA Logo Alden Richards calls for donations
What's Hot

Alden Richards, nanawagan ng tulong para sa nasalanta ng bagyong Ambo

By Marah Ruiz
Published May 15, 2020 1:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Michael Jordan tells court he 'wasn't afraid' of NASCAR
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Alden Richards calls for donations


Dasal at tulong ang panawagan ni Alden Richards para sa mga taga-Eastern Samar na nasalanta ng bagyong Ambo.

Nanawagan si Asia's Multimedia Star Alden Richards para sa mga taga-Eastern Samar, partikular na ang mga nakatira malapit sa pampang, na nasalanta ng bagyong Ambo.

Sa pamamagitan ng Twitter, humingi siya ng tulong at dasal para sa mga residente dito.

Hinikayat din niya ang kanyang followers na magbigay ng donasyon sa GMA Kapuso Foundation para sa nakatakdang relief operations nito sa rehiyon.

"Yesterday, the people on the coastal towns of Eastern Samar were devastated by typhoon Ambo. Let us pray for their safety. They need our help. Relief distribution of the GMA Kapuso Foundation is set for Monday. You can still donate to GMAKF and via Cebuana Lhullier. Thank you po," sulat ni Alden kalakip ang ilang litrato ng mga nasirang imprastruktura sa rehiyon.


Ang bagyong Ambo, na may international name na Vongfong, ang unang bagyo na tumama sa Pilipinas ngayong taon.

Nag-landfall ang ito sa Eastern Samar kahapon, May 14. Kasalukuyang nakataas ang signal number 3 warning sa rehiyon dahil sa dalang malakas na hangin at ulan ng bagyong Ambo.

Bisitahin ang official site ng GMA Kapuso Foundation para alamin ang iba't ibang paraan kung paano makakatulong at makapagbigay ng donasyon.