What's Hot

EXCLUSIVE: Janine Gutierrez, gustong bumalik sa Switzerland dahil sa 'Crash Landing On You'

By Marah Ruiz
Published May 15, 2020 2:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Charlie Fleming is L’Officiel Philippines’ December digital cover girl
Over 1,000 cops deployed in churches in Region 6 for dawn Masses
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Janine Gutierrez on traveling


Nais daw bisitahin muli ni Janine Gutierrez ang Switzerland matapos mapanood ang 'Crash Landing On You.'

Looking forward daw si Kapuso actress Janine Gutierrez na muling makapag-travel pagkatapos ng enhanced community quarantine.

Isa raw sa mga bansang gusto niyang puntahan ang Switzerland. Nais daw niyang bumalik doon matapos niyang makita ang ilan pang mga lugar dito sa hit South Korean drama series na Crash Landing On You.

"I wanna go back to Switzerland, kung saan nagkita si Captain Ri saka si Yoon Se Ri. Gusto kong pumunta doon," pahayag ni Janine sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.

Ilang mga lugar sa Switzerland ang naipakita sa hit K-Drama. Kabilang dito ang First Flieger, na isang sikat na paragliding site sa bansa, at ang mala-painting na Lake Lungern kung saan nagkita ang dalawang bida ng serye.

Bukod sa Switzerland, nais din daw ni Janine na bumisita sa Croatia at sa Amerika, partikular sa Los Angeles kung saan mayroon siyang mga kamag-anak.

Alamin pa ang ibang bagay na nais gawin ni Janine pagkatapos ng enhanced community quarantine sa video na ito.

Habang naka-quarantine, naglunsad si Janine ng isang COVID-19 fundraiser kasama ang kanyang mga kapatid.

Sa tingin din niya, responsibilidad ng mga artista ang maging sensitibo sa panahon na ito.