Article Inside Page
Showbiz News
Simula Lunes, January 25, mapanood na ang bagong Sine Novela na lalong magpapatindi sa Dramarama block ng GMA.
Beginning January 25, may bagong 'Sine Novela' na namang aabangan ang ating mga Kapuso, ang television version ng classic movie na 'Ina, Kasusuklaman Ba Kita?' which will feature the mother-daughter tandem of Jean and Jennica Garcia. Text by GMA Corporate Communications; Additional Text by Jason John S. Lim. Photos by Mitch S. Mauricio.

Ginanap sa isang restaurant along Tomas Morato Avenue, Quezon City ang press conference ng kauna-unahang
Sine Novela ng GMA-7 for the year 2010. Headlined by the mother-daughter tandem of Jean Garcia and Jennica Garcia, ang
Ina, Kasusuklaman Ba Kita? aspires to continue the success of GMA-7's Dramarama sa Hapon block.
Lilybeth Rasonable, Entertainment TV's AVP for Drama, revealed during the press conference na kinuha ng network ang license to remake the movie into a TV series, specifically for Jean and Jennica. "Nagpapasalamat kami na nasa GMA sila," she even says.
Ang kuwento ng
Ina, Kasusuklaman Ba Kita? ay umiikot sa isang babae na mataas ang ambisyon, na sa sobrang taas ay hindi niya alam na nasasaktan na ang kanyang mga anak dahil dito.
"Si Alvina po ay isang ambisyosang babae dahil nanggaling siya sa hirap," Jean Garcia explains. "Very strict siya sa kanyang mga anak," she continues, dahil ayaw niyang maranasan nila ang hirap na kanyang nakagisnan. Pero it's also because of this drive, this passion, that Alvina unwittingly hurts her children—"dahil sa ambisyon niya."
Magagawa ba ni Alvina na muling makuha ang loob ng kanyang mga anak? Hanggang saan ang magagawa ng magkakapatid para iparating sa kanilang ina ang kanilang mga hinanakit? At mapatawad man siya ng kanyang mga anak, magawa ba ni Alvina na patawarin ang sarili sa mga ginawa niya?
Joining Jean and Jennica in this show are Ariel Rivera, Karla Estrada, Lloyd Samartino, Richard Quan and Regine Tolentino. Kasama rin sa programa ang ilan sa mga notable actors ng bagong henerasyon, sina Luis Alandy, Iwa Moto, Dion Ignacio, LJ Reyes at Paulo Avelino.
Ina, Kasusuklaman Ba Kita? will be helmed by director Gil Tejada na agad sasabak sa panibagong
Sine Novela matapos ng consistently-rating
Tinik sa Dibdib. And for the first time, the latest installment of
Sine Novela will feature a theme music without lyrics—composed by world-renowned violinist Alfonso "Coke" Bolipata.
During the press conference, nagpakita ang staff ng
Sine Novela ng ilang piling eksena na talaga namang dapat abangan sa soap. And Miss Lilybeth happily praises the cast and the show's director.
"Mukhang maganda [ang show] at 'yun ay dahil sa trabaho niyo," she tells the cast. "[At] siyempre kay Direk Gil—laging maaasahan."
Ina, Kasusuklaman Ba Kita? premieres this January 25 on GMA-7's Dramarama sa Hapon, replacing
Tinik sa Dibdib.
Pag-usapan ang relationship ng mag-inang Jean at Jennica sa pinagandang iGMA Forum! Not yet a member? Register here!
Or makipag-bonding sa mag-ina through texts! Siyempre through Fanatxt lang.
Just text JEAN(space)ON or JENNICA(space)ON and send to 4627 for all telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.)