GMA Logo Miss Everything and a photo of her home
What's Hot

Bahay ni 'Miss Everything,' sinalanta ng bagyong Ambo

By Cara Emmeline Garcia
Published May 15, 2020 4:54 PM PHT
Updated May 15, 2020 7:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Miss Everything and a photo of her home


Malaki ang pasasalamat ni Ericka Camata, a.k.a. Miss Everything, na sila'y ligtas kahit na winasak ng bagyong Ambo ang kanilang tahanan.

Hindi nakaiwas sa hagupit ng malakas na hangin at ulan ang tahanan ni social media sensation Ericka Camata, a.k.a. Miss Everything dulot ng bagyong Ambo na bumagsak sa ilang parte ng bansa.

Sa Facebook, ipinakita ni Miss Everything ang ilang litrato at video na nagpapakita ng napakalakas na hangin sa kanilang bayan ng Calbayog, Samar.

Sa kabila nito, malaki naman ang pasasalamat ni Ericka na siya at ang kanyang pamilya ay ligtas kahit na nawasak ng bagyo ang kanilang bubong.

Aniya, “Our home. We are safe. No worrying everyone,” na sinundan pa ng heart emojis.

Sa katunayan, nagawa pa niyang gumawa ng isang TikTok video na nagpapakitang sumisigaw at umaarte sa tuktok ng kanilang bahay.

Sigaw niya sa video, “Ibabalik ko ito sa inyo! Ipatitikim ko sa inyo ang impyernong pinatikim ninyo sa akin!”

Sa kasalukuyan, ang video na ito ay mayroon ng 21K likes, 978 comments, at 3.6K shares sa social media site.

Be strong, Miss Everything!

Ms. Everything, nag-Q&A sa 'Kapuso Mo, Jessica Soho'

PANOORIN: TikTok star na si Ms. Everything sa KMJS