What's Hot

Startalk: Ang Kris Aquino-James Yap story

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated September 30, 2020 12:00 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: December 26, 2025
Christmas not the same for all, calamity survivors show
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News



Ang relasyon ng magasawa ay nahaharap na naman ngayon sa isang matinding intriga. Sa ulat ng Startalk, alamin natin kung saan nga ba nagsimula ang lahat.
Nahaharap na naman ang mag-asawang Kris Aquino at James Yap sa isang matinding kontrobersiya kung saan ang una ay nanugod daw sa bahay ng pinaghihinalaang babae ni James, Miyerkules nitong nakaraang linggo. Sa Startalk noong Sabado, nag-present ng timeline ang show para sundan ang mga pangyayari that lead up to Kris Aquino going after her husband's alleged other woman. Sa apat na taong pagsasama nina Kris at James, hindi ito ang unang beses na napabalitang may babae si James Yap. February 2007, nang ibunyag ng dating Belo Medical Clinic employee na si Hope Centeno sa Startalk na may relasyon sila ni James Yap. Mabilis namang pinatawad ni Kris ang asawang si James sa kadahilanang inamin naman ng huli ang kanyang pagkakamali. starsApril 19, 2007, nang isilang ni Kris si baby James, an event that made her relationship with her husband stronger. Since then, wala ng narinig ang publiko sa personal na buhay ng mag-asawa. Si James ang naging sandigan, karamay ni Kris sa panahon ng kanyang pagdadalamhati ng pumanaw ang ina na si Former Pres. Cory Aquino. Pero, katulad ng ordinaryong mag-asawa hindi maiiwasan na kung minsan ay magkaroon sila ng tampuhan o malalang di pagkakaunawaan. December 17, 2009, muling nagkaroon ng matinding away ang mag-asawa kung saan humantong si James sa hindi pag-uwi sa kanilang bahay. Ayon sa Startalk host at entertainment editor na si Ricky Lo, dumiretso sa isang PBA game sa Mindanao si James, at pitong araw na walang komunikasyon ang dalawa. December 24, 2009, muling bumalik si James sa kanilang bahay para sa Noche Buena, kasama ang boung pamilya Aquino. Naiulat din ni Ricky Lo, ng gabing iyon masinsinang nag-usap ang mag-asawa kasama sina Sen. Noynoy, ang ate nilang si Ballsy, pati na ang asawa nitong si Eldon Cruz. Inamin ni Kris na tatlong bagay ang pinag-ugatan ng kanilang huling matinding away. Una, ang kanyang matinding depresyon dahil sa pagpanaw ng kanyang ina. Pangalawa, ang kanyang heavy work load. At ang huli ay ang pagiging abala sa kampanya ng kanyang kapatid na si Sen. Noynoy. December 30, 2009, sinabi ni Kris kay Ricky Lo na balik na ulit ang sweetness nilang dalawa after patching things up sa kanilang vacation sa Bangkok, Thailand. For a while, tila wala ngang pinagdadanang problema ang mag-asawa. January 12, 2010, Martes, kinilig ang lahat ng fans nila ng magduet sila sa birthday concert ni Sharon Cuneta sa Big Dome. Inawit nila ang Rey Valera classic 'Kung Tayo'y Magkakalayo,' a song that includes the lyrics "aking nadarama, pagsasama nati'y di magtatagal." Nang umabot ang dalawa sa refrain na ito, agad silang biniro ng Mega Star na "’wag naman." January 13, 2010, ayon sa source ni Ricky Lo, kumakain ng lunch ang mag-asawa ng biglang makatanggap ng tawag si James mula sa isang babae na umiiyak. Paliwanag ni James kay Kris na may problema ang naturang babae sa kanyang boyfriend, sinabi din ni James na ang babaeng iyon ay matagal na niyang fan. Ngunit labis raw na ipinagtaka ni Kris na bakit kay James pa, na pamilyadong tao, tatawag ang babae. Lalo pang lumakas ang suspetsa ni Kris dahil makailang beses na pala itong nagpadala ng cakes and chocolates kay James. Dahil sa pangyayari nagpasya raw si Kris na puntahan at kausapin ang babae. Sa ulat ng Philippine Daily Inquirer noong Biyernes, January 15, 2010, kinilala ang babae na si Mayen Austria, 35 years old at resindente ng Valle Verde II Subdivision kung saan naninirahan din sila Kris. Naiulat din ng Inquirer na dumating si Kris sa bahay ng mga Austria bandang alas-quatro ng hapon. Nang mga sandali ding iyon, may inaasikaso din daw na bisita ang pamilya Austria sa kanilang living room, kabilang na dito ang isang madre na galing Spain at si Legaspi Bishop Joel Baylon. Ayon pa sa source ng nasabing pahayagan hinarap daw ni Mayen si Kris ng makita ito sa labas ng kanilang gate. Ngunit laking gulat daw nito ng bigla daw magbitiw si Kris ng mga masasakit na salita. At nang marinig daw ito ng ina ni Mayen agad daw itong lumabas ng kanilang bahay kung saan inabutan niyang umiiyak ang kanyang anak. Hindi rin daw nakaligtas ang matanda sa galit ni Kris, at ayon sa isang source ng Inquirer, sinabihan daw niya ito ng: "Anong klaseng nanay ka? Anong klase ang palaki mo sa anak mo?" Taliwas sa nasabing balita ng Inquirer, ang text na ipinadala ni Kris kay Ricky Lo noong January 15, 2010 na naglalaman ng ganito: "In my 25 years of being in the public eye. Nobody can ever say that it is in my nature na magmura or gumawa ng iskandalo. I didn't shout or create any commotion. The mother of the woman cited in the Inquirer article graciously came to their gate and we had a peaceful conversation. I simply made my discomfort known about her daughter’s actuations towards my husband." Samantala, nilinaw naman ng best friend ni Kris na si Boy Abunda na hindi girlfriend ni James si Mayen. Masugid lang daw na fan ni James si Mayen. Idinagdag din ni Boy na sinabi din daw ni Mayen kay Kris na magkaibigan lang sila ni James. At nang tanungin si Boy kung bakit daw kinailangan pang sumugod ni Kris sa bahay ni Mayen, ito ang kanyang naging sagot: "she thought that if there was a problem, hindi na niya palalakihin pa. She would like to nip it in the bud." Sinabi din ni Boy na talagang ipinapaglaban ni Kris ang kanyang marriage. Matapos lumabas ang balitang panunugod diumano ni Kris, kumalat din ang isang text message galing di umano kay Mayen Austria. Ayon sa text, "To everyone. Kris Aquino passed by my house to make me sugod. She spoke to my mom. Very mad. Berating us saying I always text and call James. That my mom didn't bring me up right. That we shouldn't be talking to married men. She said she's leaving James and to know that I am the last straw and the reason for their break-up. My family has great respect for Teopacos who are our family friend. Mrs. Teopaco is Cory's youngest sister. My mom raised us right. My mom didn't deserve all that. James missed call and texted na he warned me na pupunta siya sa house. He called me to tell me to apologize and say sorry. Kris said we had something going on. I don't deserve this. Most especially my mom. I have chemical depression and could have easily taken an overdose of pills because of the incident. With the hugs and love of my mom and sisters, and tranquilizers, I'm okay. Do you want Kris to be in Malacaňang?" Nakarating diumano kay Kris at sa kanyang mga kapatid ang text message at ang kanyang reaksiyon: "My brother and sisters advised me to not speak further about the issue because it would not be compassionate to dwell further on the issue." Naglabas na ng kanya-kanyang pahayag ang dalawang panig na sangkot sa isyu. Ngunit sa halip na matuldukan ito may mga katanungan pa ring hinahanapn ng sagot ng publiko. Una, kung si Mayen Austria nga ba ang pinagmulan ng text message na nakarating kay Kris at sa mga kapatid nito? Pangalawa, may katotohanan kaya na nagbanta si Kris na iiwan na niya si James dahil sa nangyari? Ikatlo, magkaroon kayang lakas ng loob si James na magsalita at ipahayag ang kanyang panig? At ang pang-huli, saan hahantong ang panibagong pagsubok na ito sa buhay ng mag-asawa: sa paghihiwalay o sa pagpapatawad? -- Text by Reina M. Pagaduan Kayo, ano sa palagay ninyo? Pag-usapan ang issue na ito sa pinagandang iGMA Forum! Not yet a member? Register here!