What's Hot

Iwa Moto plans to get married before she turns 30

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated October 28, 2020 2:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

SLEX, STAR toll rate hike to take effect January 1, 2026 —TRB
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News



Pinabulaanan ni Iwa Moto ang napabalitang nagpakasal na sila sa Huwes kamakailan ng boyfriend niya of two years na si Mickey Ablan.
Pinabulaanan ni Iwa Moto ang napabalitang nagpakasal na sila sa Huwes kamakailan ng boyfriend niya of two years na si Mickey Ablan. "Hindi pa rin natatapos 'yang kasal issue? Last year pa ako naisyuhan na nagpakasal kami. Hindi pa po kami nagpapakasal, and as of now, wala pa kaming plano," pahayag ni Iwa nang nakausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Ina, Kasusuklaman Ba Kita? kahapon, January 19, sa The Roxy restaurant sa Tomas Morato, Quezon City. starsPero hindi naman daw nasasaktan si Iwa sa intrigang nabanggit. In fact, gusto nga niya na si Mickey na ang mapangasawa niya someday. "Well, hopefully, sana siya na. Pero hindi ko pa masabi kung kailan kasi alam ko sa sarili ko hindi pa rin ako ready na mag-asawa," sabi ng sexy actress. Matagal pa raw bago sila lumagay sa tahimik. "Nagbibilang kami ng taon, e. Sabi ko, hindi dapat bababa ng five years. Sabi ko kahit up to ten years." So, magpapakasal na sila ni Mickey in five to ten years? "Kung siya pa rin ang boyfriend ko, bakit hindi? Ayoko namang dumating ako ng 30 and above na wala pa akong asawa," sagot ng 21-year-old sexy actress. Pero pinag-uusapan na ba nila ang tungkol sa pagpapakasal? "Hindi!" bulalas niya. "Ano lang 'yan, e, limit ko lang sa sarili ko. Bata pa lang ako, sinabi ko na sa sarili ko na I want na bago pa ako mag-30, magkaroon na ako ng family ko. Kasi siyempre, gusto kong makasama nang matagal na matagal yung mga magiging anak ko." Wala pang wedding proposal si Mickey sa kanya? "Wala nga, e. Nalungkot?" tawa niya. "Hindi... Wala, e, ano lang kami, more on para kaming magkaibigan, e. Lagi lang kaming magkasama, lagi kaming gumigimik sa labas. More on comedy bars, ganun, tapos kain. 'Yun lang 'yun." NINA KODAKA. Produkto si Iwa ng StarStruck. Naging First Princess siya sa Batch 3 ng naturang reality-based artista search ng GMA-7, kung saan ang mga nanalo ay sina Jackie Rice at ang yumaong si Marky Cielo. Tinanong ng PEP si Iwa kung sino ang bet niyang manalo sa bagong batch ng StarStruck? "I've heard na Nina Kodaka is half-Japanese... Sabi ni Tatay Rommel [Gacho, StarStruck director], 'Iwa, walang pores si Nina Kodaka, maganda ang skin!' Sabi ko, 'Okay, magpapa-facial na ako!'" natatawang kuwento ni Iwa. "Meron ding morena, yung si Diva [Montelaba], ayun, mukhang okay siya," pahabol niya. Maging threat kaya si Nina kay Iwa since pareho silang half-Japanese? "Hindi naman porke't Haponesa kailangan mag-aaway na kami. Keri lang," sagot niya. Ano ang maipapayo niya kay Nina, na hindi pa niya nami-meet personally? "Be yourself! Definitely just be yourself and huwag na huwag kang magrereklamo sa trabaho. Trabaho is trabaho, so be professional enough na gampanan mo yung pinasok mong trabaho, ganun lang." Nang may nagbiro kay Iwa na aagawin ni Nina ang trono niya, ito ang sagot niya: "Trono? Wala naman akong trono. Wala siyang aagawin!" NEW AFTERNOON SOAP. Kasama si Iwa sa bagong afternoon soap ng GMA-7 na Ina, Kasusuklaman Ba Kita?, na pagbibidahan ng mag-inang Jean at Jennica Garcia. Gaganap si Iwa dito bilang kontrabidang si Rossan. Mula sa direksyon ni Gil Tejada, Jr., nasa cast din ng Ina, Kasusuklaman Ba Kita? sina Ariel Rivera, Karla Estrada, Lloyd Samartino, Luis Alandy, Richard Quan, Regine Tolentino, LJ Reyes, Dion Ignacio, at Paulo Avelino. Ipapalabas na ito simula sa Lunes, January 25, sa Dramarama sa Hapon ng GMA-7. -- PEP.ph