Article Inside Page
Showbiz News
Dex remembers his misstep in 'StarStruck: the Next Level,' and what has changed since the days na isa lamang siyang contestant sa reality artista search.
Matapos ng 'StarStruck: the Next Level,' madalang na mawalan ng trabaho si Dex Quindoza. Pero kahit hindi pa dumarating ang break na hinihintay niya, masaya pa rin si Dex sa kanyang mga narating—at mga balak pang abutin. Text by Jason John S. Lim. Photos courtesy of GMA Talent Development and Management Department.
Marami ang nagbago sa buhay ni Dex Quindoza nang mapabilang siya sa Top 20 contenders ng
StarStruck: the Next Level.
"Unang nagbago siyempre 'yung crowd," kuwento ni Dex. "Paglalabas ka, makikilala ka. [Kaya dapat] medyo pa-impress ka ng kaunti, kahit pupunta ka lang sa mall."

He continues, "second naman, nakatulong ako sa family ko to support my studies. Kasi ako na 'yung nagpapaaral sa sarili ko ngayon e." To those wondering, Dex is taking up a course on Customs Adminstration, and he's graduating this semester. Ika nga niya, it's good to have a fallback.
Dex tells iGMA.tv na kapag may extra income siya, he also helps out sa mga kamag-anak niya. "Nagshe-share ako sa kanila pag may kaunting kita."
With a new
StarStruck batch competing to be the next ultimate winner, ano ang masasabi ni Dex na hanggang ngayon ay mostly support lang ang roles na natatanggap niya.
"Ganoon 'yung mga role na binibigay sa akin—pero okay lang." Dex says na as long as he has work, ayos na sa kanya ‘yun, as it is his only source of income. "Kasi hindi mo naman masasabi kung sikat ka [pa rin] bukas."
His acting career
Dex can currently be seen in
The Last Prince, GMA-7's newest fantasy series about a prince looking for his true love. Dex's role is a bully—similar to the one he played in
Luna Mystika. Pero according to Dex,
The Last Prince is a little bit more challenging para sa kanila.
"Ayun, 'yung
Luna Mystika, parang medyo pa-easy-easy. Kasi walang lines e." In his current project, Dex jokes, "mas maganda dito: may lines kami." In all seriousness though, Dex says the director is challenging them to do more this time around: "hindi lang tatayo ka lang doon; more on facial expressions [ang hinihingi]. At saka 'yung mata mo dapat—‘yun 'yung mas gagamitin mo, kaysa magbigkas ka ng mga lines."
It's all in a day's work for Dex though, lalo pa't kagagaling lang rin niya sa
Tinik sa Dibdib kung saan si Sunshine Dizon ang nakasama niya sa kanyang mga eksena. Bukod pa dito, Dex tells us na ito rin ang first show kung saan may mga ilang sequences na sa kanya lang naka-focus!
Kuwento niya, "Ayos ‘yun e. Ever since hindi pa ako nakaka-experience ng buong sequence sa akin. Tapos ang dami kong lines. Although three tapings lang ako, pero iba 'yung feeling pag ikaw na pala 'yung madaming scenes, madaming lines."
Inamin nga ni Dex na medyo pressured siya nung mga time na 'yun, "pero 'yung pressure na 'yun, iyon ang nagdadala sa akin para 'yung emotion ko, maibigay ko."
With a new acting challenge afoot for Dex in
The Last Prince, he reveals to us na ang susunod niyang gustong harapin ay ang pag-handle ng love team. "Kung may opportunity lang talaga na magkaroon," he adds. We at iGMA.tv are sure though na makakayanan rin ni Dex ang rigors of a love team—after all, he didn't win the Best Kiss award back in
StarStruck: the Next Level for nothing.
Tune in on
The Last Prince weeknights para makita si Dex! Catch the show on GMA Telebabad, pagkatapos ng
Darna.
Pag-usapan si Dex at ang
The Last Prince sa pinagandang
iGMA Forum! Not yet a member? Register here!