GMA Logo maureen wroblewitz
What's Hot

Maureen Wroblewitz, tinawanan ang espekulasyong buntis siya

Published May 17, 2020 11:27 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Benguet police, kinumpirmang patay na si ex-DPWH Usec. Cabral
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

maureen wroblewitz


Sinagot ni Maureen Wroblewitz ang espekulasyon ng isang netizen na buntis siya. Alamin dito:

Idinaan na lang ni Maureen Wroblewitz sa emoji ang reaksiyon niya sa isang netizen na nagtanong kung buntis siya.

Sa kanyang bagong post, ibinahagi ng dating Eat Bulaga host ang larawan nila ng kanyang singer boyfriend na si JK Labajo, na kuha mula sa isang nakaraang beach trip ng dalawa.

Kasama rin dito ang screenshot sa bago niyang pinagkakaabalahan ngayong may enhanced community quarantine, ang larong Animal Crossing ng Nintendo Switch.

Sa comment section, makikita na marami ang nagpakita ng interes sa bago niyang nilalarong game.

Ngunit isang netizen ang tila di napigilang pansinin ang larawan ni Maureen kasama si JK at napatanong ng, "Are you pregnant?"

Agad naman itong nilinaw ni Maureen, "It's the skirt," na may kasama pang laughing emoji.

Maureen Wroblewitz at JK Labajo, nagpakilig ng netizens sa kanilang COVID-19 awareness video sa TikTok

Dabarkad Maureen Wroblewitz's cool response to body-shaming troll