
Marami na ring kalamidad at krisis ang napagdaanan ng ating mga kababayan, pero lubos na sinubok ang kanilang katatagan ngayong panahon ng COVID-19.
Gayunpaman, sa gitna ng kinakaharap na pandemya, nananatili pa rin ang pagtutulungan at bayanihan.
Sikat man o ordinaryong tao, nakuha ng ilang Pilipino na ibahagi kung ano man ang meron sila sa kanilang mga kababayang nangangailangan.
Kaya bilang pagbibigay-pugay sa natatanging malasakit ng bawat Pilipino, ihahandog ng GMA Public Affairs ang isang espesyal na kampanya na layong magbigay ng pag-asa sa panahon ng COVID-19 crisis.
Abangan ang launch ng "Nasa Puso Ang Pag-asa" ngayong Martes, May 19, sa 24 Oras.