What's Hot

Dr. Vicki Belo, wish na bumalik ang dating Hayden

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated August 13, 2020 1:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DOTr to build covered walkway connecting two QC malls along EDSA
BFP 7 hoists Red Alert status for the holidays
Straight from the Expert: Lechon after the celebration (Teaser)

Article Inside Page


Showbiz News



Nagdiriwang ngayong January 25 ng kanyang kaarawan ang sikat na cosmetic surgeon na si Dr. Vicki Belo.
Nagdiriwang ngayong January 25 ng kanyang kaarawan ang sikat na cosmetic surgeon at TV personality na si Dr. Vicki Belo. The celebrity doctor turns 54 years old today. Nagpaunlak siya ng panayam sa Tweetbiz kung saan sinabi nitong simple lang ang selebrasyon ng kanyang birthday ngayong taon. Kasama niyang lumabas at kumain ng pananghalian ang kanyang mga anak na sina Cristalle at Quark Henares. Samantala, kinumusta ng Tweetbiz sa doktora ang ex-boyfriend nitong si Hayden Kho. Iginiit ni Dr. Belo na hindi niya alam ang kinaroroonan ng dating kasintahan. There have been conflicting tabloid reports as to the whereabouts of Hayden. May lumabas na balitang ito ay nasa Bukidnon. May “Hayden sighting” din umano sa lalawigan ng Batangas. Kinumpirma ni Dr. Belo na limang buwan na sila ngayong walang komunikasyon ng binata. Nagkasundo aniya silang muling mag-usap pagsapit ng birthday ni Hayden sa May 20. Wala pa rin daw siyang natatanggap na regalo mula rito. Nang tanungin ng Tweetbiz kung ano ang kanyang birthday wish, matalinhagang sinabi ni Dr. Belo na hangad niyang “bumalik ang dating Hayden.”-- Tweetbiz TWEETBIZ airs from Monday to Friday, 7:00 p.m. on Q Channel 11.