What's Hot

EXCLUSIVE: Janine Gutierrez, may alinlangan bumalik ng trabaho dahil sa COVID-19

By Marah Ruiz
Published May 21, 2020 3:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Janine Gutierrez on the new normal


Hindi pa matukoy ni Janine Gutierrez kung ligtas na bang bumalik ng trabaho pagkatapos ng enhanced community quarantine na dulot ng COVID-19.

Ilang mga pelikula ni Kapuso actress Janine Gutierrez ang naapektuhan ng enhanced community quarantine.

Isa dito ang sasali sana sa isang international film festival.

"I was supposed to have two trips to Japan--one for a film fest na sinalihan noong isa kong film which was Babae at Baril, another one for an event. And another one in Bangkok pala for Louis Vuitton na fashion show," kuwento ni Janine sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.

May pelikula din siyang magiging bahagi sana ng kauna-unahang summer edition ng Metro Manila Film Festival.

"I was supposed to have a movie that was part of the summer film festival. 'Yun 'yung Ngayon Kaya with Paolo Avelino. Dapat April 11 'yung opening day namin but of course everything was getting postponed," bahagi niya.

Bukod dito, may dalawang pelikula din siyang sisimulan pa lang dapat ang taping ngayong summer.

"I was supposed to shoot also two movies this summer na as of now postponed. I don't know pa kung kailan mari-reschedule. A lot of us don't know yet," aniya.

Aminado si Janine na may alinlangan siyang bumalik sa trabaho dahil sa COVID-19.

"Cases are still rising 'di ba? So parang mahirap talaga mag-shoot eh. We don't know yet kung anong magiging precautions ng network or ng mga production companies," pahayag niya.

"'Yung set talagang ang daming tao diyan, like hundreds of people 'di ba? I don't know. It's gonna be really hard to say," dagdag pa niya.

Isa ang produksiyon ng pelikula at telebisyon sa mga industriyang maaari nang mag-resume pagpasok ng bansa sa general community quarantine.

Naglabas na rin ng guidelines ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) at ang Inter-Guild Alliance (IGA) para sa 'new normal' sa produksiyon ng telebisyon at pelikula.

For review at approval pa ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases ang parehong guidelines ng FDCP at IGA.