GMA Logo Carla Abellana reacts to basher
What's Hot

Carla Abellana, idinaan sa tawa ang insensitive comment sa kanyang Instagram post

By Aedrianne Acar
Published May 22, 2020 11:01 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Places in the PH where miracles were believed to have occurred: Pangasinan's Our Lady of the Rosary of Manaoag
Flood-resistant building na ipinatayo ng GMAKF sa Malitbog E.S., pinasinayaan | 24 Oras
Maalinsangang panahon, asahan sa mga nalalabing araw ng Semana Santa | One North Central Luzon

Article Inside Page


Showbiz News

Carla Abellana reacts to basher


"Lumba-lumba" comment ng isang netizen, walang epekto kay Carla Abellana.

Chill lang ang Kapuso Primetime actress na si Carla Abellana nang may nag-iwan ng insensitive comment sa isa niyang post sa Instagram last May 19.

READ: Carla Abellana reveals reason of her unintentional weight gain

Makikita sa comment section ng Instagram post ni Carla na may nag-react sa photo niya at sinabihan siya na, "Nung 'di kpa lumba-lumba."

Smile 💚

A post shared by Carla Abellana (@carlaangeline) on

Tumugon naman ang Kapuso actress ng "Yes!" at isang smiling emoji.


Hindi naman nagustuhan ng fans ni Carla Abellana ang sinabi na ito ng basher at ipinagtanggol nila ang kanilang idolo.


Bago matapos ang 2019, ikinuwento ng Kapuso primetime star sa isang social media post na dumaan siya sa isang matinding pagsubok nang ma-diagnose siya ng hypothyroidism at tachycardia or rapid heart rate.