Showbiz News

Atom Araullo, bumista sa isang crematorium na apektado ng COVID-19 crisis

By Marah Ruiz

"Paano nga ba binago ng COVID-19 ang buhay ng mga Pilipino?" tanong sa upcoming episode ng The Atom Araullo Specials.

Tinutukan ni Atom ang Baesa Crematorium na isa sa mga patuloy na tumatanggap ng mga labi ng mga taong pumanaw dahil sa COVID-19.

Kinailangan pa niyang magsuot ng full personal protective equipment (PPE) para makapasok dito.

Halos sunud-sunod daw ang pagke-cremate ng mga labi na umaabot sa pagitan ng walo hanggang sampung tao simula ng outbreak ng virus, ayon sa mga namamahala dito.

Huwag palamapsin ang "COVID-19: Nang Tumigil ang Mundo" sa The Atom Araullo Specials, May 31, 3:30pm sa GMA-7!