GMA Logo Lolit Solis Arnel Pineda and Lea Salonga
What's Hot

Lolit Solis, hanga sa world-class talents nina Lea Salonga at Arnel Pineda

By Cara Emmeline Garcia
Published May 27, 2020 11:45 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

Lolit Solis Arnel Pineda and Lea Salonga


Lolit Solis on Lea Salonga and Arnel Pineda: “Pinahanga nyo talaga ang mundo.” Read more:

Idinaan ni Lolit Solis sa isang Instagram post ang kanyang paghanga para kina Lea Salonga at Arnel Pineda sa ipinakitang world-class talent ngayong panahon ng pandemya.

Sa post, isinaad ni Lolit na halos kasabayan ng dalawang mang-aawit ang ilan sa mga prominenteng pangalan sa larangan ng sining at musika ngayon.

Aniya, “Bongga naman sila Lea Salonga at Arnel Pineda, Salve. Kasama talaga sila ng mga international stars na nagpa-fundraising para sa pandemic na nangyayari ngayon sa mundo.

“Iba talaga ang talents nila Lea at Arnel, world-class talaga kaya kahit itabi mo sa international singers, stand out pa rin sila. Nakakatuwa nga dahil ang sarap makita na shoulder to shoulder sila na kumakanta ng mga sikat na singers.

“Congrats Lea Salonga and Arnel Pineda. Pinahangan n'yo talaga ang mundo.”

Bongga naman sila Lea Salonga at Arnel Pineda Salve. Kasama talaga sila ng mga international stars na nagpa fundraising para sa pandemic na nangyayari ngayon sa mundo. Iba talaga ang talents nila Lea at Arnel, world class talaga kaya kahit itabi mo sa mga international singers, stand out parin sila. Nakakatuwa nga dahil ang sarap makita na shoulder to shoulder sila na kumakanta ng mga sikat na singers. Congrats Lea Salonga and Arnel Pineda. Pinahanga nyo talaga ang mundo. #classiclolita #73naako #takeitperminutemeganun

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

Matatandaang nakilahok si Lea sa fundraising show ni American host Rosie O'Donell para tulungan ang ilang miyembro ng theater industry sa Amerika na walang trabaho dahil sa coronavirus pandemic.

Kinanta ni Lea ang hit Disney song na “Mulan” kung siya ang isa sa mga orihinal na kumanta nito para sa 1998 movie.

Samantala, kakalahok lamang ni Arnel sa live streaming event ng UNICEF para sa Won't Stop campaign nito upang magbigay tulong sa medical frontline workers at mga taong nangangailangan.

Ipinamalas ni Arnel ang kanyang singing chops nang awitin nito ang 1980s classic na “Don't Stop Believin” kasama ang iconic band na Journey.

Lolit Solis, pinuri sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa kanilang pagtulong sa kabila ng COVID-19

Lolit Solis, maraming ipinagpapasalamat sa pagdiriwang ng 73rd birthday