GMA Logo ruru madrid on e date mo si idol
What's Hot

Ruru Madrid, nagbahagi ng realizations habang naka-quarantine

By Dianara Alegre
Published May 28, 2020 11:02 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

ruru madrid on e date mo si idol


Ayon kay Ruru Madrid, mas nalaman niya ang importansya ng pamilya habang naka-quarantine.

Dahil sa mahigit dalawang buwang quarantine na dulot ng 2019 coronavirus disease (COVID-19), marami umanong napagtanto si Kapuso actor Ruru Madrid.

Ayon sa binatang aktor, mas lumalim na ang pananaw niya sa buhay lalo na sa pagbibigay ng importansiya sa mga mahal niya sa buhay.

“Because of COVID para na-realize ko na dapat every single moment, ine-enjoy na natin.

"I mean, 'yung mga panahon na puwede pa nating sabihin sa mga taong mahal natin na mahal natin sila, sabihin na natin hangga't kaya nating sabihin.

“Kasi, hindi natin alam kung ano 'yung mangyayari,” aniya.

Habang naka-quarantine sa bahay, tumutuklas din daw si Ruru ng mga bagong pagkakaabalahan o hobbies.

“Kahit simpleng nanonood lang tayo ng pelikula, malaking tulong 'yon para, at least, may makuha tayong ilang techniques 'pag bumalik na tayo sa trabaho.

“Mahilig akong manood ng movies or series pero 'yung pagbabasa ng libro hindi talaga. Pero tinry ko siya ngayon. Puwede pala akong ma-hook sa mga libro,” dagdag pa ng aktor.

Ruru Madrid and Athena Madrid donate over PhP 12,000 to #HealingHearts fundraising concert

A post shared by Jose' Ezekiel Madrid (@rurumadrid8) on


Samantala, sasalang si Ruru sa online dating game na "E-DATE MO SI IDOL" ngayong Huwebes, May 28,

Paano ba makipag-date ang isang Ruru Madrid?

“Siguro, ako kasi, hindi ko itinataas 'yung sarili kong bangko pero sobrang gentleman ako pagdating sa babae.

“More on kwentuhan kasi 'yung naman talaga 'yung sense nu'ng dating, e. I mean, para lang malaman n'yo kung sino ba talaga kayo,” aniya.

Gusto mo bang maka-date si Ruru Madrid?

A post shared by Jose' Ezekiel Madrid (@rurumadrid8) on