Showbiz News

Atom Araullo, tatalakayin ang pagbabagong dulot ng COVID-19 sa bagong dokyu

By Marah Ruiz

Bukod sa mga crematorium na lubos na apektado ng COVID-19, bahagi din ng bagong dokumentaryo ni Atom Araullo ang mga pang-araw-araw na hirap na dinanas ng mga Pilipino habang nasa enhanced community quarantine.

Binisita niya ang isang border checkpoint pati na ang isang barangay hall kung saan pumipila para sa ayuda ang mga residente.

Matutunghayan din ang pinagdaanan ng ilang COVID-19 survivors at ng kanilang mga pamilya. Ilang frontliners din ang magbabahagi ng kanilang mga karanasan sa paglaban sa pandemic.

Bukod dito, kukumustahin din ni Atom ang ilang mga Pilipino mula US, Europe, at Asia para malaman ang kanilang kalagayan.

Ito na nga ba ang magiging pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino kahit pagkatapos ng pandemya?

Tunghayan ang "COVID-19: Nang Tumigil ang Mundo" sa The Atom Araullo Specials ngayong May 31, 2020, 3:30pm, sa GMA-7!