What's Hot

Rhian Ramos, relieved na sa Pilipinas inabutan ng quarantine

By Marah Ruiz
Published June 1, 2020 6:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos 'unbothered' by impeachment complaint
NCAA announces S101 volleyball tourney groupings, updates
Marian Rivera's Italian designer bag completes her pink outfit

Article Inside Page


Showbiz News

Rhian Ramos


Laking pasasalamat ni Rhian Ramos na sa Pilipinas siya inabutan ng quarantine at hindi sa ibang bansa.

Suwerte daw si Kapuso actress Rhian Ramos at sa Pilipinas siya inabutan ng quarantine na dulot ng COVID-19.

Sa totoo lang daw, hindi niya ma-imagine kung sa ibang bansa pa siya na-quarantine. Matatandaang kalahating taong namalagi si Rhian sa New York dahil kumuha siya ng comedy courses doon.

Naikuwento ito ni Rhian sa isang teleconference interview kasama ang ilang piling miyembro ng media, kasama ang GMANetwork.com.

Ikina-stress daw niya ang hirap sa pag-contact sa kanyang pamilya noong nasa Amerika siya.

"Alam mo 'yung feeling lang na hindi mo alam 'yung situation doon. I worried about my family, tapos umiyak ako. Wala pa kong balita, wala pang nare-reply sa text ko, 'yun 'yung stress. Pero ngayon nasa iisang time zone lang tayo so madali lang kamustahin yung pamilya ko," bahagi ni Rhian.

Sa tingin daw niya, mahihirapan siyang mag-cope kung naabutan siya ng lockdown sa New York.

"Pero New York? Magsa-struggle ako ngayon. Kasi mahirap 'yung mga first time mag-adulting. Mahirap siya right now kung hindi ka naman marunong to do all of your chores or to feed yourself. Tapos ito pa 'yung nangyayari sa mundo," aniya.

"It would be very hard for (first timers). It's much more doable for me. The only thing na i have to worry about is my feelings," dagdag pa ni Rhian.

Ibinahagi din ni Rhian kng ano ang mga pinagkakaabalahan niya habang naka-quarantine. Alamin kung ano ang mga ito sa panayam na ito ni Rhian.

Kasalukuyang napapanood si Rhian sa 2009 Philippine adaptation ng South Korean series na Stairway to Heaven.

Tunghayan ito Lunes hanggang Biyernes, 3:25 pm sa GMA Afternoon Prime.