What's Hot

Is Sarah the next Ultimate Female 'StarStruck' Survivor?

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated October 25, 2020 8:42 AM PHT

Around GMA

Around GMA

After bumping into motorcycle in QC, fleeing van mobbed by bystanders
Usa ka SUV natagak paingon sa Mangrove Area sa Cordova | Balitang Bisdak
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones

Article Inside Page


Showbiz News



As we await the Final Judgement, kilalanin nating mabuti si Sarah Lahbati at alamin kung siya na ba ang ating next Ultimate Female 'StarStruck' Survivor.
Ready to fight na si Sarah sa nalalapit na Final Judgment ng ‘StarStruck’ pero bago ito, lets get to know this shy and quiet girl from Switzerland. Interview and Text by Reina M. Pagaduan. Photos by Naomi V. Pitargue and Jason John S. Lim. starsSimula pa lang ng StarStruck V, kinilalang threat agad si Sarah Lahbati ng kanyang mga co-survivors. Pero aminado ang dalaga na somewhere in the middle, she started to lose heart. "Parang nawalan lang ako ng gana dahil sa mga bad comments, at mga negative comments." Pero nilinaw niya na she's past this na, "bandang gitna lang po ‘yun." Sarah says that now, "okay na ako. Ready to fight." Getting to Know Sarah Lahbati Bago pa man siya sumali sa StarStruck, may experience na si Sarah sa entertainment world: she was a choir member in Switzerland! And this definitely helped her sa kanyang mga performances sa competition. "Siyempre, kasi kung hindi po ako kumakanta sa church before, 'di wala po kong experience na kumanta sa harap ng maraming tao." And experience is really helpful for someone who doesn't come out of her shell all the time. Kuwento nga ni Sarah, tahimik lang daw talaga siyang tao. "Ako 'yung, pag pupunta sa isang lugar na maraming tao, [ako 'yung] walang kausap. Okay lang sa akin na nasa gilid lang." And this is why, Sarah tells us, "lahat ng ginagawa ko, lahat iniisip ko bago ko gawin." Dagdag ni Sarah, StarStruck helped her get over this a little. "Mas naging strong ako dito; mas lumakas 'yung loob ko." Sarah says she's more impulsive na rin ngayon. "Talagang sugod! Go lang ako. Kung ano 'yung gusto kong gawin, ginagawa ko na—as long as tama, at alam kong makakabuti sa akin." She even goes on to say na mas lumawak ang kanyang pag-iisip ngayon. "'yung goal ko kasi dati, parang okay na ako pag ganito lang ako." Through StarStruck, Sarah says "mas nag-mature ako, mas naging responsible." At kung dati, Sarah's fashion statement consists of a pair of jeans and a t-shirt, at nakatali lang ang buhok, ngayon natututo na siyang mag-ayos ng sarli. "Hindi pa rin ako sanay," Sarah admits, tungkol sa kanyang pagiging mas fashion savvy. "Sa ngayon, parang tina-try ko pa lang na magbihis ng maayos, at saka make-up, at konting ayos sa hair." Sarah, Ultimate Female Survivor "Hindi ako 'yung another good-looking girl na pa-cute lang ang maibibigay sa tao." ‘Yan ang statement ni Sarah nang tanungin namin siya kung ano ang edge niya to win the Ultimate Female Survivor title. starsPero, aminado rin si Sarah na kinakabahan siya talaga—lalo pa't kaunti na lang ang natitirang mga araw bago ang Final Judgment. "Pero marami pong nagsasabi [sa akin], 'i-enjoy mo lang ‘yan. Wag ka masyadong stressed.' Kasi ako po 'yung taong laging kinakabahan, laging stressed." Kaya naman ang advice sa kanya lagi, she shares, is to just give her best always, and to pray. At sa lahat ng mga sumusuporta kay Sarah from the start ofStarStruck, ito ang kanyang mensahe: "Sa lahat ng Amis de Sarah, sa lahat ng naniniwala sa akin, gusto ko lang magpasalamat. Thank you talaga, kasi lagi silang nandiyan for me. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala, ‘yun nga sa mga mall daming sumisigaw? So thank you, thank you. Sa lahat na nagme-message sa Facebook sa internet, basta everywhere, maraming, maraming salamat. Sana patuloy niyo akong suportahan." Mark your calendars for the Final Judgment! Sa February 21, isang malaking celebration ang magaganap sa Araneta Coliseum! And patuloy na subaybayan ang StarStruck ShoutOut araw-araw, and don't forget to watch the final StarStruck V episode on Saturday, after Pinoy Records. With just a week of StarStruck V remaining, Fanatxt is now giving you the option to be updated sa mga ginagawa ni Sarah, 24/7! Just text SARAH (space) ON to 4627 for all telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.) Pag-usapan ang StarStruck V and your favorite contender sa pinagandang iGMA Forum! Not yet a member? Register here!