GMA Logo Kristoffer Martin
What's Hot

Kristoffer Martin, handa na bang magbalik-trabaho?

By Dianara Alegre
Published June 2, 2020 7:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Kristoffer Martin


Aminado si Kristoffer Martin na may mga pangamba pa siya sa pagbabalik-trabaho ngayong GCQ.

Dahil ipinatutupad na ang general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila, maraming manggagawang Pinoy ang nagbalik na sa kani-kanilang mga trabaho.

Pero ano nga ba ang kinabukasan ng entertainment industry sa bansa kung saan kabilang si Kapuso heartthrob Kristoffer Martin?

Sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com, ipinahayag ng aktor ang kanyang opinyon tungkol sa “new normal” na kahaharapin ng publiko, partikular nilang mga artista, sa gitna ng COVID-19 pandemic.

“Parang hindi pa tayo ready, kung lahat magsasabay-sabay 'yung work.

“Kung ako ang tatanungin, natatakot pa ako. Sobra akong natatakot lalo na pagpunta mo ng taping, ayaw mo naman magsabi na mayroon doon pero chances are malaki pa rin kahit papaano,” lahad ni Kristoffer.

Gayunpaman, naniniwala siyang isaaalang-alang ng network ang kanilang kaligtasan sakaling magbalik na sila sa taping.

“Pero kung hindi maiiwasan… kasi sa industry natin kailangan na natin mag-work. I'm sure naman si GMA gagawin niya lahat ng safety precautions para ma-secure lahat ng mga tao na nando'n na safe.

“Alam naman naming hindi kami pababayaan ng network 'pag nag-work,” dagdag pa niya.

A post shared by Tun (@kristoffermartin_) on

Samantala, dati nang ipinahayag ng aktor ang kanyang pasasalamat para sa lahat ng frontliners na nakikipaglaban sa virus para sa kapakanan ng mas nakararami.

Bilang tulong, naging bahagi siya ng isang online concert na isinagawa ng ilang Kapuso artists bilang pagbibigay-pugay sa mga ito.

Matatandaan ding umamin si Kristoffer sa eksklusibong panayam ng 24 Oras na naging emosyonal siya habang idinadaos ang concert.

“Nagiging emotional ako kasi parang nilalagay ko kasi sarili ko sa kanila, e.

"They are risking their lives hindi dahil trabaho nila 'yon. Dahil sila 'yung mga magiging solusyon talaga dito e, to prevent the virus e,” aniya.

Sunday na pala ngayon. Miss ko na yung maramdaman ng totoo yung weekend. Ingat tayong lahat. Bukas nga pala may online show kami for #BayanihanMusikahan. 6pm onwards yon. It's a charity show hope you guys could watch!

A post shared by Tun (@kristoffermartin_) on

Kristoffer Martin relates sentiments over COVID-19 pandemic

Kristoffer Martin improvises gym equipment as he works out at home

Kapuso Showbiz News: Kristoffer Martin, nangangamba para sa showbiz industry under the 'new normal'