GMA Logo Alden Richards on The Gift
What's Hot

'The Gift' ni Alden Richards, mapapanood sa Ecuador

By Marah Ruiz
Published June 4, 2020 2:52 PM PHT
Updated June 4, 2020 3:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Alden Richards on The Gift


Parating na sa bansang Ecuador ang teleseryeng 'The Gift' na pinagbidahan ni Alden Richards.

Sa bansang Ecuador naman mapapanood ang kuwento ng inspiring GMA Telebabad series na The Gift na pinagbidahan ni Asia's Multimedia Star Alden Richards.

Mapapanood ito "very soon" sa Ecuadorian free-to-air television network na Ecuavisa.




Tatawagin ito sa titulong Un Don Verdadero na nangangahulugang "a true gift" sa Ingles.

😭 (Te conmoverás con estos momentos) | MUY PRONTO: #UnDonVerdadero 🙌❤️ - Por: #Ecuavisa 📺

A post shared by Ecuavisa (@ecuavisatv) on


Tampok sa The Gift ang kuwento ng Divisoria vendor na si Sep (Alden Richards).

Mabibigyan siya ng pambihirang kakayanan na makita ang nakaraan at kinabukasan ng isang tao matapos aksidenteng mabulag.

Gagamitin niya ang kakayanang ito para matulungan at mapabuti ang buhay ng mga tao sa kanyan paligid.

Samantala, kasalukuyang din umeera sa Ecuavisa ang hit GMA Afternoon Prime series na Ika-6 Na Utos sa ilalim ng titulong Dulce Venganza.

Noong nakaraang taon, napanood din sa Ecuador ang mga seryeng Onanay at My Special Tatay sa TV network na TC Television.