
Ibinahagi ni Kapuso comedienne Eugene Domingo ang napakarami niyang natutunan sa GMA Network sa isang exclusive video clip para sa GMANetwork.com.
Aniya, napakalaki ng pasasalamat niya sa Network dahil sa suportang ibinigay sa kanya simula nang gumanap siya sa iba't ibang shows tulad ng Kirara, Ano Ang Kulay ng Pag-ibig hanggang sa Dear Uge Presents.
Sambit ni Eugene, “Buong puso akong nagpapasalamat sa tiwalang ibinibigay niyo [GMA] po sa akin at sa magagandang programang ipinagkatiwala ninyo sa akin.
"Simula na riyan sa Cool Center, Wachamakulit, Comedy Bar, Celebrity Bluff at siyempre ang Dear Uge Presents na mapapanood every Sunday.
“Ako ay natutuwa dahil bilang isang artista, lalo kong na-improve at na-develop ang talent ko bilang isang host dahil sa programang ibinigay ninyo sa akin.
"At higit sa lahat, bukod sa marami tayong napapasaya ay informative din ang programang ibinigay sa akin ng GMA na gustong-gusto ko naman.”
Para kay Eugene, proudest Kapuso moments niya ang pagtanggap ng karangalan sa iba't ibang award-giving bodies na nagsisilbing pagbabalik ng mga biyayang natatanggap niya mula sa Network.
Aniya, “Ang proudest Kapuso moment ko po ay tuwing tumatanggap ng award dahil sa recognition na ibinibigay lalo na ng universities, ng students, ng teachers, ng Catholic Mass Media Awards at napakarami pang nirerespeto nating award-giving bodies.
“Ito ay napakahalaga sa akin dahil naibabalik ko 'yung tiwalang ibinigay ng GMA.
"Pinagbubutihan po namin ang aming trabaho para mabigayan po namin kayo mga televiewers at supporters ng mga programang original, entertaining, and at the same time informative.”
Panoorin ang buong mensahe ni Ms. Eugene Domingo para sa GMA Network.
Mapapanood si Eugene Domingo tuwing Linggo sa Dear Uge Presents.
EXCLUSIVE: Eugene Domingo answers common millennial questions
EXCLUSIVE: Eugene Domingo, dapat daw abanagan ang mas pinabonggang 'Dear Uge'