What's Hot

What's the real score?: Lovi Poe, Rep. Singson together in New York

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated September 12, 2020 2:02 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Rains, cloudy skies expected across PH
Negros Occ records over 260 road mishaps
2026: A guide to the Year of the Fire Horse

Article Inside Page


Showbiz News



Ngayong magkasama sila sa New York, may aminin na kaya ang dalawa?
Hindi itinanggi ni Lovi Poe na nagsisilbing inspirasyon sa kanya ngayon si Ilocos Sur Rep. Ronald Singson. At ngayong magkasama sila sa New York, may aminin na kaya ang dalawa? Nagtungo sa New York si Lovi para dumalo sa isang film festival doon. Ngunit hindi nawala sa tabi niya si Cong Singson na umano’y nasa NY din para naman daw magbakasyon bago sumabak sa kampanya ngayong eleksiyon. stars“Kasi si Ronald before elections, he always like, he goes out of the country. So nagkataon na nandito rin mga kaibigan niya, so ayun, nandito na rin siya," paliwanag ni Lovi sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes. Sa naturang ulat ni entertainment reporter Lhar Santiago, sinuportahan ni Ronald ang paliwanag ni Lovi na nauugnay sa anak ni dating Ilocos Sur Gov. Luis "Chavit" Singson. “Usually before elections, before campaigning nagbabakasyon talaga ako sa Amerika together with my friends. Nagkataon naman na mayroon siyang film festival so parang pinagtugma na lang namin," ayon sa binata. Hindi naman itinanggi ng dalaga na nagsisilbing inspirasyon sa kanya si Ronald na kilala ring nagpo-produce ng mga concert show sa Pilipinas na kinatatampukan ng mga sikat na foreign artist. Hanga raw si Lovi sa pagiging workaholic ni Ronald at marami na itong nakamit sa buhay. Gayunman, wala pa ring direktang inamin ang dalawa kung higit na nga ba sa pagkakaibigan ang kanilang relasyon. “I’m taking my time. Gusto ko lang mag-work ngayon, masaya ako sa mga projects na gagawin ko soon," ayon kay Lovi. - Fidel Jimenez, GMANews.TV