GMA Logo therese malvar on kdrama
What's Hot

EXCLUSIVE: Therese Malvar, nanood ng K-drama para sa kanyang upcoming Kapuso show

By Cherry Sun
Published June 10, 2020 4:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

therese malvar on kdrama


Paano kaya makatutulong ang K-drama sa character ni Therese Malvar sa kanyang upcoming Kapuso show?

Hindi naitanggi ni Therese Malvar na nag-alala siya nang mahinto pansamantala ang taping niya para sa upcoming Kapuso show na Babawiin Ko Ang Lahat.

Pero, nakahanap daw ang aktres para patuloy na maalala ang character niya.

Kuwento ng aktres sa kanyang exclusive interview sa GMANetwork.com, noong una ay nangamba siya para sa kanyang character na si Lala nang matigil ang kanilang taping dahil sa enhanced community quarantine.

Aniya, “Before the ECQ, kaka-start palang namin. As in I think we just shot a week's worth of episodes. So, like we were still trying to get to know each other, ganyan.

"'Tapos nag-e-enjoy na kami sa presence ng isa't isa 'tapos biglang, boom this pandemic happened.”

Ngayong inabot na ng mahigit tatlong buwan ang pagkaantala ng kanyang trabaho, nakahanap ng paraan si Therese upang hindi makalimutan ang character niya.

Bahagi niya, “Habang patagal na 'yung ECQ ko, sabi ko, 'Oh my gosh, baka pagdating ng taping nakalimutan ko na character ko, as in kapa na naman.

"Pero thankfully, my character kasi para siyang, for me, para siyang K-drama character, very lively.

"So, while I'm watching 'yung certain series sa Korea, I take down notes or I try to remember a certain character para once we start shooting, I'll watch it again.

"I'll watch certain scenes para mas makuha ko 'yung vibe na gusto ko para sa character na si Lala.”


Makakasama ni Therese sa Babawiin Ko Ang Lahat ang kanyang kapwa Kapuso stars na sina Carmina Villarroel, John Estrada, Pauline Mendoza, Kristoffer Martin, at Manolo Pedrosa.

EXCLUSIVE: Therese Malvar, komportable bang magbalik-taping sa new normal ng showbiz?

EXCLUSIVE: Therese Malvar, naghahanda na para sa kolehiyo sa kabila ng COVID-19 crisis

EXCLUSIVE: Therese Malvar, excited ma-meet si Hyun Bin pagpunta ng Korean actor sa Manila