GMA Logo stars of Walang Tulugan
What's Hot

Sanya Lopez, inamin na naging crush niya si Ken Chan noon sa 'Walang Tulugan!'

By Felix Ilaya
Published June 10, 2020 5:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 up over 27 areas as Wilma threatens to make landfall over Eastern Visayas
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

stars of Walang Tulugan


Panoorin ang online reunion ng mga 'Walang Tulugan' stars tulad nina Jake Vargas, Ken Chan, Sanya Lopez, Jak Roberto, Buboy Villar, at marami pang iba!

Hatid ng GMA Artist Center "Artist Collab" ang online reunion ng mga tatak Walang Tulugan talents!

Hosted by Jackie Lou Blanco and John Nite, nakasama nila ang ilan sa mga "anak-anakan" ni German Moreno, a.k.a. Kuya Germs, online.

Ang mga present sa Walang Tulugan reunion ay sina Ken Chan, Sanya Lopez, Jak Roberto, Buboy Villar, Teejay Marquez, Eian Rances, Marika Sasaki, at Mico Aytona.

Napag-usapan nila ang ilan sa kanilang best memories sa show at inalala rin nila ang mga moments nang kasama pa nila ang Master Showman.

Nagkabukingan rin ang mga Walang Tulugan stars nang tanungin sila kung sino ang naging crush nila noon sa show.

Kuwento ni Sanya na may crush daw siya kay Ken noon dahil sa pagiging mabait at approachable nito.

Aniya, "'Yung crush ko inamin ko kay Ken Chan 'yon 'eh, kasi siya 'yung unang nag-approach sa'kin. Sobrang approachable kasi ni Ken, sabi ko 'Ambait naman ni Ken, crush ko na siya.' Tapos ang tali-talino," pag-amin niya.

Ano naman kaya ang sagot ni Ken sa revelation ni Sanya?

"Ewan ko kung alam ni Sanya 'yon pero kung ako ang tatanungin, kay Sanya rin po ako unang napukaw noon," kuwento ni Ken.

Pabiro namang sinabi ni Jak na kukunin niya raw ang kaniyang pamalo para sa kapatid.

Panoorin ang nakakatuwang reunion ng mga Walang Tulugan stars below sa 'Artist Collab' ng GMA Artist Center: