GMA Logo Aiai Delas Alas signs with GMA Artist Center
What's Hot

Aiai Delas Alas, malaki ang pasasalamat sa GMA

By Felix Ilaya
Published June 19, 2020 4:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

SEA Games: Joanie Delgaco, Kristine Paraon strike gold in rowing
Chavit Singson to meet Miss Universe next month to negotiate, possibly buy the organization?
APSEMO holds emergency meeting as Mayon shows increased activity

Article Inside Page


Showbiz News

Aiai Delas Alas signs with GMA Artist Center


Masayang-masaya ang Comedy Concert Queen na si Aiai Delas Alas sa pagsali niya sa GMA Artist Center family.

Pumirma na ng management contract ang Comedy Concert Queen na si Aiai Delas Alas sa GMA Artist Center ngayong Biyernes, June 19.

IN PHOTOS: Aiai Delas Alas signs management contract GMA Artist Center

Ayon sa kaniyang Instagram post, malaki raw ang pasasalmat ni Aiai sa GMA Network dahil dito nagsimula ang kaniyang matagumpay na 30-year-career.

Aniya, "Maraming salamat Artist Center at sa Kapuso Station, 100% Kapuso na ako talaga. (Taong) 1990 nang una ako binigyan ng GMA nang pagkakataong makilala noong nagsisimula pa lang ako sa mundo ng telebisyon.

"Ngayon, ika-30 anibersaryo ko na at masaya akong sasama sa mga kapwa ko Kapuso at kabahay sa GMA Artist Center, salamat sa tiwala at ngayon ako ay uuwi nang buong-buo sa tahanang aking nakagisnan at pinagmulan."

#Repost @gmanetwork with @make_repost ・・・ Philippine Comedy Queen @msaiaidelasalas remains a solid Kapuso as she signs a management contract with @artistcenter! ❤ #ArtistCenterWelcomesAiai Maraming salamat artist center at sa kapuso station .. 100 % kapuso nako talaga .. 1990 ng una ako binigyan ng gma ng pag kaktaon makilala noong nag sisimula palang ako sa mundo ng telibisyon ngayun ika 30 anibersaryo ko na ay masaya ako sasama sa mga kapwa ko kapuso at kabahay sa gma artist center .. salamat sa tiwala at ngayun ako ay uuwi na ng buong buo sa tahanang aking nakagisnan at pinag mulan 💚TO GOD BE THE GLORY🙏🏼 #paybacktime #solidkapuso #30yearsinthebusiness #happy70thyearkapuso

Isang post na ibinahagi ni AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas) noong

Nagsimula si Aiai bilang host sa late-night musical variety show na "RSVP" sa GMA. Napabilang rin siya sa mga programang "Lunch Date" at "Salo-Salo Together" kung saan mas lalo pang nakilala ang komedyana sa galing niya sa pagpapatawa.

IN PHOTOS: Aiai Delas Alas's career as a Kapuso through the years

Nagbalik bilang Kapuso si Aiai noong taong 2015 kung saan agad siyang napanood sa Let The Love Begin at Sunday PinaSaya.

Welcome to your GMA Artist Center family, Aiai!