
Bilang pagpupugay sa kagitingan ng lahat ng mga ulirang ama, nag-release ang GMA Network ng isa na namang nakaaantig na special video production na may titulong GMA Telebahay: Proud Ako Sa 'Yo.
Tunghayan ang pagganap ni Kapuso actor Martin del Rosario bilang isang healthcare worker sa pinakabagong episode ng GMA Telebahay: Proud Ako Sa 'Yo.
Tampok sa episode ang pang-araw-araw na pamumuhay ng mga frontliner sa panahon ng COVID-19 pandemic.
GMA Network's first #GMATeleBahay is a sincere tribute for all the moms
GMA TeleBahay: Pasasalamat Kay Super Nanay (Mother's Day Special)
Bida rin dito ang aktor na si Ricky Davao na gumaganap bilang kanyang ama na isa ring frontliner. Ngunit sa kasamaang palad ay tinamaan ito ng COVID-19 disease.
Tunghayan ang kanilang nakakaantig na pagganap sa pinabagong episode ng TeleBahay, na tanda rin ng pagpupugay sa lahat ng mga ulirang ama ngayong Father's Day:
Samantala, tampok din ang komedyanteng si Super Tekla sa isa pang Father's Day special na “GMA TeleBahay: Beautiful Father” na tumalakay naman sa pagiging responsableng ng isang ama na miyembro ng LGBTQIA+ community.
Hindi man natin sila nagagawang pasalamatan araw-araw para sa kanilang mga sakripisyo, lagi nating tatandaan na handang ibigay ng mga ama ang kanilang buhay upang guminhawa lamang tayo.
Happy Father's Day, mga Kapuso!