GMA Logo Sharon Cuneta
What's Hot

Sharon Cuneta, natukoy na ang netizen na nagbanta ng rape sa anak na si Frankie

By Cara Emmeline Garcia
Published June 23, 2020 12:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Moderate to heavy rain in parts of PH on non-working holiday Monday
Farm to Table: (December 7, 2025) LIVE
Car driven by cop falls into ravine in Balamban, Cebu

Article Inside Page


Showbiz News

Sharon Cuneta


Tinotoo ni Megastar Sharon Cuneta ang kanyang pagbabanta sa isang netizen na nais gahasain ang kanyang anak na si Frankie Pangilinan.

Buong puwersang sinimulan na ni Sharon Cuneta ang paghahanap at pagtukoy sa isang netizen na nagngangalang Sonny Alcos sa Facebook.

Kuwento ni Department of Justice Secretary Menandro Guevarra, mismo si Sharon ang dumulog sa kanya para maghain ng kaso laban kay Sonny.

Ani Sec. Guevarra sa 24 Oras, “Ni-report lang sa akin 'yan on a personal basis ni Ms. Sharon Cuneta kasi for many, many years, ako 'yung kanyang personal lawyer.

“She was very upset about it. And that she's planning to file the appropriate criminal complaint with the Department of Justice.

“Having said that I advised her na, 'you should get your lawyer to prepare your complaint.'.”

Maalala noong Sabado, nag-viral ang galit na galit na post ni Sharon Cuneta pagkatapos malaman na nais nitong gahasain ang anak niyang si Frankie Pangilinan pagkatapos i-ere ng huli ang kanyang sentimento tungkol sa rape culture sa bansa.

Saad ng netizen, “Pasalamat ka iha, kung ang edad ko 12 years, magtago ka na sa tatay mong Senador Kiko Matsing Pangilinan dahil hahanapin kita para gahasain.

“Tapos sisihin mo tatay mo dahil hindi ako makukulong,” tinutukoy nito ang Juvenile Justice and Welfare Act na nagtatanggal ng criminal liability sa mga menor de edad sa bansa at iniakda ni Kiko Pangilinan.

Kaya ang banta ni Sharon? “Hahanapin kita. I. Will. Find. You.

“You face me, you coward. Duwag. Tandaan mo kung sino ako. Nanay ni KC, Frankie, Miel, at Miguel. You crossed the line. God help me and the law! God help you when I find you. Hindi kita patatahimikin.

“Tandaan mo ito: Ako ay anak ni Pablo P. Cuneta, Mali ang binagga mo, demonyo ka.”

What an a**h**e of a father. Considering may anak kayong babae. Oo alam namin. At anuman ang pambabastos ng isang tunay na hayop na tulad mo sa asawa ko at LALONG-LALO NA SA ANAK KONG DALAGA, ay pagpapatunay lamang na may mga demonyong nasa mundo na tulad mo. Kaya tama ang ginagawa ng anak kong disente at matalino. Pinagmamalaki mo pang DUTERTE SUPPORTER KA, ganon ba? Alam mo bang kahihiyan ka sa Pangulo? At para sa kaalaman ng isang bobong katulad mo, ang Juvenile Justice Law ay hindi para hindi parusahan ang mga kabataang may krimen kundi kung seryoso ang offense ay pananagutan pa rin ngunit ihiwalay sila sa mga hardened criminals na maaaring abusuhin naman sila - at managot sa isang prosesong angkop sa kanilang pagiging menor de edad! Ayon sa batas kung serious offense, minimum isang taon pa rin silang kulong at maaaring mas matagal. BAGO KASI MAMINTAS NG BATAS NA GAWA NG SENADOR, ARALIN MUNA. (Sorry po mga Sharonians but this monkey crossed the line.) BOBO. TANGA. HIGIT SA LAHAT, WALA KANG TAKOT SA DIYOS! Ang kapal ng pagmumukha mong patulan ang issue at pagsalitaan ng ganito ang anak ko! Tayong dalawa ang magharap - di ko man lang iistorbohin ang asawa kong humarap sayo - tutal baka magmukha kang aso pag ako nakaharap mo! Di kita uurungan. HINDI MO AKO KILALA PAG ANAK KO NA ANG BINASTOS MO. O, BAKIT TINANGGAL MO NA ANG LAHAT NG SOCIAL MEDIA ACCOUNTS MO AT PINALITAN MO PATI PICTURES? We are now verifying our leads to your employers. Wow kung puede lang liparin!!!✈️ I WILL PERSONALLY MAKE SURE THIS KABABUYAN YOU HAVE POSTED TO DISRESPECT MY DAUGHTER IN THIS DESPICABLE, MALICIOUS AND INSIDIOUS WAY WILL BE OF GREAT INTEREST TO THEM. I AM ALSO FORWARDING THIS TO SEC. MEYNARD GUEVARRA WHO HAS BEEN MY FRIEND AND LAWYER SINCE 1992. HAHANAPIN KITA. I. WILL. FIND. YOU. YOU FACE ME, YOU COWARD. DUWAG. TANDAAN MO KUNG SINO AKO. NANAY NI KC, FRANKIE, MIEL, AT MIGUEL. YOU CROSSED THE LINE. GOD HELP ME AND THE LAW! GOD HELP YOU WHEN I FIND YOU. HINDI KITA PATATAHIMIKIN. TANDAAN MO ITO: AKO AY ANAK NI PABLO P. CUNETA. MALI ANG BINANGGA MO, DEMONYO KA. @bernsrp @indaysaraduterte (SHARONIANS, remember this monkey's face and name please.)

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta) on


Nangangamba naman para sa kaligtasan ni Frankie ang ama nito na si Senator Francis “Kiko” Pangilinan.

Saad ng senador sa 24 Oras, “As any regular father, I am worried for her, her safety, and her well-being.

“Nakakagalit at nakakalungkot din na mayroong mga ganyang tao, mayroong mga ganyang tatay pa naman. Rape is never, never a joke.

“From the various social media reactions, I am grateful to those who expressed support for Frankie and our family. We will do all we can to try and make a safe space, even in social media, for our children.”

The hunt for Sonny Alcos

Sa social media ng Megastar, isinaad niya na mayroon na siyang lead kung saan naroon si Sonny Alcos at ang kasalukuyang estado nito sa buhay.

Bitiw ni Sharon sa Twitter, “I've spent all day calling people. You better get ready. Man oh man, you're in trouble you f*****g rapist!

“Hey, you f*****g rapist! You may just be in London, I see. Still checking and following up on your employer! Apparently [I'm] on the right track… WATCH ME.

“Sonny F******* Alcos. I'm coming for you! I got the means, I know the right people. I got the balls.”

May isang netizen na nagsabing baka na-hack raw ang account ni Sonny Alcos, pero pinost ng singer ang orihinal na banta ng netizen at sinabing, “No, your account was not hacked. This was your original post.”

Sa report ng 24 Oras, inihayag ng National Bureau of Investigation Cybercrime Division na maari nilang ma-verify kung na-hack ba o hindi ang isang account.

Sambit ni NBI Cybercrime Division Chief Victor Lorenzo, “Posible 'yun kasi sa mga experience natin dati may mga gumagamit ng account mo, they are stealing your identity to create an issue. 'Yun ang i-che-check natin.

“Hindi naman natin dapat paniwalaan agad dahil sa experience may specific approach kami to identify kung totoo 'yung sinasabi.”

Ayon pa kay Chief Lorenzo, nagsimula na ang kanilang imbestigasyon ukol kay Sonny Alcos at kung may cybercrime-related issue ito ay maaring sampahan siya ng kaso kahit ito ay nasa ibang bansa.

Ganito rin ang sentimento ni Sec. Guevarra sa mga banta ni Sonny Alcos sa social media.

Ani ng DOJ Secretary, naayon ito sa Revised Penal Code at maaring ipa-subpeoena ang inirereklamo kahit nasa labas ng bansa.

“'Yung mga ganun, constitute threats and punishable under our Revised Penal Code.

“So kung idinaan mo 'yan sa internet, sa social media, then naa-aggravate 'yung imposable penalty kasi it creates 'yung fear, ano. Nandoon na, e. Na-commit mo na 'yung gusto mo, 'yung objective na gusto mong ma-achieve -- takutin 'yung tao.”

Panoorin ang buong ulat ni Tina Panganiban-Perez sa 24 Oras:

Frankie Pangilinan to netizens: “My personal convictions don't reflect the rest of my family's views”

Frankie Pangilinan, unfazed by criticisms: “I'm not sorry for standing up for myself.”